news

Rosanna Roces reveals falling in love with Ted Failon before; says doing laundry is her therapy and breather from showbiz

by Arniel Serato posted on October 11, 2011  STATS: 1656 Views | 17 Comments

 

Rosanna Roces on her claim that she had a relationship with Ted Failon: "Hindi naman. Wala pa naman sa ano yun, e... Tsaka bata pa ako nun, 20. Nanligaw naman [siya]. Hindi basta ano, one-night stand. Hindi. Napaka-gentleman [ni Ted]."

Photo By: Noel Orsal

Nagpaliwanag na si Rosanna Roces tungkol sa naging pahayag niya sa podcast ni Mo Twister na may namagitan diumano sa kanila noon ni Ted Failon.

Sinabi kasi ni Osang (sikat na palayaw ng aktres) sa naturang panayam na ang pinaka-hindi raw niya makakalimutan sa mga nakarelasyon niya ay ang ngayo'y batikang radio commentator at newscaster ng ABS-CBN.

Sa segment ni Dolly Anne Carvajal na "Hello Dolly" sa Paparazzi Showbiz Exposed noong Linggo, October 9, ay ipinaliwanag ni Osang kung ano ang namagitan sa kanila ni Ted.

"Hindi naman. Wala pa naman sa ano yun, e... Tsaka bata pa ako nun, 20.

"Nanligaw naman [si Ted]. Hindi basta ano, one-night stand. Hindi. Napaka-gentleman [niya]," sabi ng kontrobersiyal na aktres.

Tanong ni Dolly Anne, love kaya ang kanilang naramdaman noon sa isa't isa?

Ayon kay Osang, pag-ibig daw talaga yun.

Kaso, naunsiyami raw ito dahil "nag-asawa na ako," aniya pa.

PRESENT  LOVE LIFE? Kumusta naman ang puso ng isang Rosanna Roces ngayon?

"Ngayon, blangko," sagot niya.

"Kasi, araw-araw taping. Nawawalan na ng panahon sa mga bata [mga anak at apo].

"So, kailangan ay hindi yung focus [ko], masisira. Mawawala.

"Mas gusto ko yung distraction."

Meaning, ayaw raw muna niya ng inspirasyon.

"Tama lang yung text-text lang muna."

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

17 Comments

  • 17  kilabotako

    10/12/2011 | 04:03 PM
    we love her,,one of the prettiest face hindi din nakakasawa ang ganda ni osang at magaling na actress uy!grabe ang galing niya sa SA NGALAN NG INA,,mas ok nga ang maging simple,humble,tahimik na life osang,kesa noon ang gulo ng life mo,stay wid GOD lagi at read the bible para may peace of mind,.yan ang kelangan ng tao,.wag ka ng mag lovelife kung kasiraan at magagamit kalang bilang babae,respeto naman!tama na ang anak at apo nalang,focus sa kanila,.papayat kadin,ang laki ng raso niya sa tv,hehehe.sana nga more movies at tv series sa ibang istasyon naman,,shes really a jewel sa showbiz,.love her acting,wag lang syang epal at oa sa showbiz,dun sya nadadali e,.relax,mag ipon,,mag pundar at just work decenly at proffesionaly nalang,.at wag pauto sa lovelife,ikakasira nya lang iyon.GOD KNOWS,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  sexydulce

    10/12/2011 | 08:50 AM
    Hala! Ibig sabihin, Ted was unfaithful to his wife then? Mga lalaki talaga!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  jjjjjjjjjj

    10/12/2011 | 08:26 AM
    TED ITOK AND ANNA MACEDA THE SECOND TIME AROUND.... Grabe na ito ...todo na ito ted itok .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  hooney

    10/12/2011 | 08:11 AM
    natawa naman ako kay ehemm haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  ehemm

    10/11/2011 | 08:23 PM
    lols 12... she's still beautiful. she resembles dingdong's gf, like ganyan ganyan. so teddyboy, what are you waiting for? lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  midnightblue

    10/11/2011 | 06:38 PM
    pwede na rin pala niyang sideline ang pagtanggap ng labada. ano ba yan, handwash o sa washing machine?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  shidax

    10/11/2011 | 04:39 PM
    akala ko matapang ka osang ka sa lahat ng bagay pero may kahinaan ka pala pagdating sa pag ibig....huwag kang maghanap ng ikaw ang iibig hayaan mong ang lalaki ang iibig sa iyo ng todo todo yun siguro maging at peace ka na sa buhay.ang galing mo osang sa SNNI...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  fluffysasha

    10/11/2011 | 04:31 PM
    ok naman siya sa mini serye nila, dalawa na lang pinapanood ko sa primetime, ang 100 days at ang Sa Ngalan ng Ina
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    10/11/2011 | 04:18 PM
    binata na ulit si Ted Failon, baka pwedeng dugtungan ang init nila sa katawan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bus_stop

    10/11/2011 | 03:08 PM
    ano ba yan!? inutot na career!? hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Deane_2005

    10/11/2011 | 11:18 AM
    pero in fairness magaling talaga si Rosanna sa aktingan ..Napapanood ko sya sa TV5 at magaling tlaga sya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexangel

    10/11/2011 | 10:55 AM
    tumatanggap din sya ng labada? LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    10/11/2011 | 10:48 AM
    kontilang.....Pareho sila Lola Guy, bihasa sa aktingan pero....?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tili_2death

    10/11/2011 | 10:22 AM
    oh may gulay! I am feeling sick!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kontilang

    10/11/2011 | 10:05 AM
    magaling na artista si Osang, ang problema hindi niya na-handle nang mabuti kasikatan niya. magagaling na director ang humawak sa kanya, si Carlos Siguion Reyna, Chito Rono at iba pa. siguro kung buhay pa si Lino Brocka baka igawa din siya ng movie. sayang na career....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapusoakotalaga

    10/11/2011 | 09:35 AM
    ang lalim hahaha inutot ang career.. pwede, o kaya, ang babaeng wala ng career, tottttt hahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Speed_OfLight

    10/11/2011 | 09:11 AM
    ang babaeng inutot ang career.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About