Sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5 noong Linggo, October 9, isang masayang Martin Nievera ang nagpaunlak ng panayam kay Mo Twister para sa segment niyang "Answer Mo."
Masaya ang naging balitaktakan ng dalawa na parehong Inglesero at mabilis magsalita.
Unang tanong ni Mo ang tungkol pagsasayaw niyang muli sa stage o TV.
Halos napagdaanan na kasi ni Martin lahat, pati na ang pag-arte sa pelikula, pero ang kanyang pagsayaw ay minsan lang nasulyapan ng publiko.
Pasakalye ng Concert King, "I don't know, if I don't see myself doing it, I don't... I don't wanna do it.
"Tried it with Gary V [Valenciano] when we were on tour. As soon as they scream, they start laughing.
"So it's good to dance, and then right before the laughter comes in, dance off the stage.
"So, until I can do a dance step, it's only like about eight bars, I won't be doing one!" sabay na nagkatawanan sila ni Mo.
MARTIN AFTER POPS. Sumunod na topic ang mga "setback" sa career ni Martin noong nagkaroon ng samu't saring isyu sa pagitan nila ng dating asawa na si Pops Fernandez.
Sabi ni Mo, "Do you think the fans treat you differently after everything that's happened in your life?"
Sagot naman ni Martin, "Right after the setbacks, yes!
"I mean, even to this day, if you look at the cyberspace or the Internet, there's a lot of people who still dislike me because of that whole chapter."
Naramdaman na kaya niya ngayon na parang napatawad na siya ng kanilang mga tagahanga?
Tugon ni Martin, "I'd like to think people have moved on just as I have attempted to, again.
"But there's always an exception to the rule, there's always, meron yung iba na talagang ayaw na ayaw sa akin or nag-move on din sila sa ibang artist."




0

