Rufa Mae Quinto on why her wedding didn't push through: "Hindi naman sa hindi natuloy. Hindi naman madaling magpakasal, e. Lalo na 'yong nangyari sa akin, namatayan ako, nagka-cancer ang mommy [Lola Lucing], so naka-focus ako sa kanya, e. Tapos may babayaran kang malaking-malaking bill, so I have to work, 'di ba? Tapos, may mga magulang ka din na siyempre, paghahandaan mo din, 'di ba, magkasakit siya o emergency sa family. Siyempre, kailangan marami kang ipon, e, 'yong mga gano'n bagay. So, 'yon ang dahilan din kung bakit deadma din muna 'yong ano, wedding this year."

Photo: Noel Orsal

"Hindi naman madali na may makasama sa buhay araw-araw, lalo na hindi ka sanay," pahayag niya.

"So, parang iniisip ko, okey na ba sa akin may kasama ako beinte-kuwatro oras? I mean, no offense, may mga gano'n tao.

"Kasi, gusto ko 'yong sure na sure talaga ako, e, yung ready.

"Hindi lang ready sa financially, everything, yung may makasama ka beinte-kuwatro oras. Alam mo yung gano'n?

"Na-imagine ko lang 'to, ha, parang sanay ka na lahat ng gamit sa bahay mo sa 'yo lang.

"E, ito siyempre, pag nag-asawa ka, join-join na kayo, e.

"'Yon ang hindi ko alam... Ewan ko, kakayanin ko pa lang, ta-try.

"Pero, unti-unti ko nang pine-prepare yung sarili ko, dahan-dahan na masanay na may makasama.

"Kaya magaganap 'yon, hindi ko pa lang binibigyan ng takdang date."