Nora Aunor is coping very well matapos ma-confine at makalabas ng ospital last week. Kung siya raw ang masusunod, gusto na ni Nora na mag-taping na uli.
"Dapat may taping na kami today, pero the doctors adviced her to rest. Hindi pa [rin] kaya ni Guy. She needs to rest," sabi ni Boy Palma, Nora's personal manager, in a text message he sent PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) yesterday morning, October 10.
Ang sabi naman ni Mario O'Hara, na siyang nagdidirek sa mga eksenang involved si Nora sa Sa Ngalan Ng Ina, okay pa rin daw siyang magpahinga hanggang Wednesday o Friday.
Walang nabanggit si Palma, o si Direk Mario na malaking kagahulan sa produksiyon, sanhi ng 'di inaasahang pagkakasakit ng bidang aktres ng TV5 mini-serye.
If ever, ang gagawing pelikula ni Ate Guy sa Regal Entertainment, yung Mano Po 7 (Hototay) ang medyo maaantala ang pag-uumpisa.
Gayunman, wala ring pahayag si Palma na hindi na itutuloy ang pelikulang nakalaan para sa Metro Manila Filmfest sa Disyembre 2011 dahil sa mga huling kaganapan.
Ayon din sa isang mapagkakatiwalaang source, busy pa si Joel Lamangan sa isa nitong project.
Ibig sabihin, hindi pa apektado ng anuman ang timetable ng direktor para sa comeback movie ni Nora Aunor sa Regal Films.
TEAM-UP REUNION WITH PIP. Mukhang masigla si Ate Guy noong makakuwentuhan ng PEP kamakailan.
Nabanggit nito ang pakikipagtambalan niyang muli kay Tirso Cruz III— the "other half" of the legendary Guy & Pip tandem—para sa Hototay.
"Si Pip na naman?" sabi ni Ate Guy, na seryoso sa pagsasalita at parang may gustong ipahiwatig.
"Baka ma-in love na naman ako!" sambit niya saka tumawa.
Tumakbo ang usapan sa ganung konteksto na may pagbibiro na hindi rin naman offensive, maging ang mga munting katotohanang binitawan ni Ate Guy.
"Nagalit na nga noon sa akin si Lyn [Ynchausti-Cruz, Pip's wife], e.
"Noon... may nagsumbong kasi," wika pa ni Nora na ang tinutukoy ay ang nanumbalik na closeness nila ni Pip, sa isa sa mga balik-tambalan nila.




0

