Sa pagpasok ni Boy Abunda sa Bandila, balitang nag-improve daw ang ratings nito. Siyempre pa, tuwang-tuwa ang binansagang King of Talk sa balitang ito.
"Napakasaya!" sambit ni Boy nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, October 9, sa The Buzz.
"Dahil 'yong limang araw na ginawa ko ang Bandila, napakagaan at napakasaya. Bago. Something new."
Kumportable naman daw kaagad siya sa kanyang mga kasama sa nasabing late-evening news program ng ABS-CBN.
"Kaibigan ko... Ces [Drilon] is a very good friend of mine. Karen [Davila] and Julius [Babao], I represent them. I do their contract.
"So, walang problema iyon.
"It's something new talaga. Sa tinagal-tagal ko sa industriyang ito, ang sarap makatabi sa kanila.
"Ang tawag daw nila diyan ay reinvention. Pero, hindi ko naman ginano'n 'yon.
"Basta it's something new. It's pushing yourself to something that's exciting.
"Kahit I think when I suggested this sa ABS-CBN, I don't think we were aware that we could actually merge the idea of putting Bandila and me together.
"Pero, nangyari."
Hindi naman siya nailang dahil nga bago yung ganito sa kanya?
"Aaminin ko, nung first day, nakikiramdam ako. Ako ang pumapasok sa kanilang bahay, e.
"Ayoko yung ako ang pinakamataas ang boses!" sabay halakhak niya.
"Nakikiramdam ka. Pero yung... tamang timpla ang hinahanap mo.




0

