Susan Roces is willing to work with anybody, even Lovi Poe

Rommel R. Llanes
Tuesday, October 11, 2011 @ 07:39PM  |  25295 views

 

"Nung nagsimula akong mag-artista, wala namang kapwa artista ko na tumanggi na makasama ako. Hindi ko gagawin yun [pagtanggi] sa kapwa artista ko," says Susan Roces about the possibility of working with Lovi Poe.

Photo By: Noel B. Orsal













Malapit sa puso ni Susan Roces ang pagkakahirang sa kanya bilang bagong endorser ng pharmaceutical brand na RiteMed.

Sa presscon ng nasabing pharmaceutical brand na ginanap sa Annabel's Restaurant sa Morato, Quezon City, kahapon, October 10, sinabi ng tinaguriang "Reyna ng Pelikulang Pilipino" na itinuturing niyang pagkakawang-gawa ang pagiging "ambassador" ng brand na ito ng generic drugs.

Pagpapatuloy lamang daw ito ng naudlot na gawain ng yumao niyang asawa na si Fernando Poe, Jr.

"Kapag pala ang isang tao ay nauulila ng mahal niya sa buhay, hindi lamang ang mga ari-arian niya ang iyong minamana. Minamana rin ng naiwan ang kanyang mga kawang-gawa. Ang kanyang mga mabubuting sinimulan," nawika ng 70-year-old na veteran actress.

Matapos daw kasing mailibing na si FPJ, tinanong niya ang sarili kung ano na ang gagawin niya sa mga naiwan ng kanyang asawa.

"Sa edad kong ito at semi-retired na 'ko, papa'no ko mapapalawig ang kabuhayang iniwan niya para sa akin. At the same time, papa'no ko patuloy na matutulungan ang mga taong naglingkod sa kanya, naglingkod sa amin, ang mga kasamahan namin sa industriya."

Sa pamamagitan ng pagpapaalala na may mas mura pang gamot na pwedeng mabili, sa kahit maliit na paraan ay nakakatulong daw siya sa mga hindi gaanong nakakagaan na mga kababayan natin.

STILL MISSING FPJ. Kahit pitong taon na ang nakararaan mula nang yumao si FPJ, aminado ang aktres na nananatili siyang nagluluksa sa pagkawala ng kanyang asawa.

"Akala ko, habang tumatagal ay tapos na. Pero katulad nito, darating na naman ang November first, may okasyon na nagpapaalala sa akin. Darating na naman ang [kanyang] death anniversary...may Pasko..."

Pagkasabi nito'y natigilan muna ang aktres at bahagyang pinangiliran ng luha ang mga mata.

"Pero we must learn to make our lives pleasant, peaceful, happy," pigil sa pagbuhos ng emosyon na pagpapatuloy ng aktres na minsa'y binigyan ng titulong "the face that refreshes" ng showbiz reporters nung araw.

Bukod sa mga taong nagmamahal sa kanya—mga kamag-anak at kaibigan—ang pagtatrabaho rin daw ang nakapag-aalis sa kanyang kalungkutan.

Nagpapasalamat na nga lang daw siya't may mga proyektong naibibigay sa kanya katulad ng natapos nang Babaeng Hampaslupa sa TV5 at ito ngang bago niyang endorsement.

Pero nang tanungin kung may pag-asa pa bang muling bumukas ang kanyang puso para sa bagong pag-ibig, nagliwanag ang mukha ng aktres at umamin na bukas naman siya para rito.

"Okey lang. I'm a very romantic person. Especially, I'm an artist. So talagang wala naming pinipiling edad.

1  2  3  Next »

Related Articles

19 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name