Lorna Tolentino on having a new relationship: "Tama na, kasi hindi na rin naman sa edad ko nararapat na lumandi pa."

Nerisa Almo
Wednesday, October 12, 2011 @ 04:11PM  |  25477 views

 

Lorna Tolentino says she really cannot predict if another man will come into her life. However, she says, "Kung ako ang masusunod, sana 'yon, tama na, kasi hindi na rin naman sa edad ko nararapat na lumandi pa."

Photo By: Noel Orsal













Muling nilinaw ng award-winning actress na si Lorna Tolentino na hindi na niya iniinda kung anuman ang nangyari sa kontrata niya sa ABS-CBN.

Sinabi niya rin na maayos ang kanyang pag-alis sa Kapamilya network bago siya nagdesisyong pumirma ng one-year exclusive contract sa TV5.

"Wala, paikut-ikot lang naman tayo [sa iba't ibang network]," sabi ni Lorna nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa set visit ng Glamorosa kahapon, Oktubre 11, sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Ang teleseryeng Glamorosa ang unang proyekto ni Lorna sa TV5.

Makakasama niya rito sina Alice Dixson, Zoren Legaspi, Tonton Gutierrez, Martin Escudero, Ritz Azul, at Celeste Legaspi. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Eric Quizon.

Ayon kay Lorna, bagamat pareho lang ang magiging talent fee niya, mas mainam daw ang kanyang kontrata sa TV5 dahil mas maraming araw ng trabaho ang nakapaloob dito.

"Sa kabila kasi [ABS-CBN], 'yong 85 [working days] is only one show.

"Dito, actually, kung gusto nilang pahabain ang soaps nila, which is hindi pa sila sanay, pwedeng makatatlo ako." (CLICK HERE to read related article.)

Sa kanyang paglipat sa ABS-CBN mula sa GMA-7, nakagawa siya ng tatlong teleserye—Dahil May Isang Ikaw, Momay, at Minsan Lang Kita Iibigin.

Nagkaroon din siya ng guest roles sa Maalaala Mo Kaya  at May Bukas Pa.

CHALLENGING ROLE IN GLAMOROSA. Sa tagal na ni Lorna sa industriya, iba't ibang karakter na ang kanyang nagampanan.

Gayunman, itinuturing niyang isang challenging role ang kanyang gagawin sa Glamorosa.

Dito, gagampanan niya ang karakter ni Natalia Herrera, isang cosmetic surgeon.

"'Yong science side of it [ang challenging]," sabi ni Lorna.

"Pero lahat naman [ng istorya] umiikot lang, 'di ba?

1  2  3  Next »

Related Articles

35 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name