news

Cherry Pie Picache on Baron Geisler's apology: "That's humility, 'di ba, for him to finally admit na may kasalanan siya, to say sorry."

by Glen P. Sibonga posted on October 12, 2011  STATS: 15544 Views | 9 Comments

 

"He deserves a second chance. Ang sa akin lang, sana kunin niya talaga yung opportunity now that's he's going back to work and I heard he's working, to really prove himself na, you know, he became better," says Cherry Pie Picache about Baron Geisler (inset).

Photo By: Noel Orsal

Nagkaayos na kagabi, October 11, sina Baron Geisler at Yasmien Kurdi matapos mag-public apology ang aktor at tanggapin ito ng aktres. (CLICK HERE to read related story.)

Bunga nito ay iniurong na ni Yasmien ang kasong Acts of Lasciviousness na isinampa niya kontra kay Baron kaugnay pa rin ng ginawang pambabastos diumano ng aktor sa set ng kanilang taping noong 2009. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Baron, nakatulong sa kanya ang kanyang rehabilitation para matuto sa kanyang mga karanasan.

"I'm very happy talaga. Para akong nabunutan ng tinik.

"Ibig sabihin makaka-move forward na talaga ako sa bagong buhay ko.

"Masaya ako at maganda yung walang kaaway," sabi ni Baron sa interview sa kanya ng Bandila.

Hindi lang si Yasmien ang nagsampa ng kaso laban kay Baron.

Hanggang ngayon ay dinidinig pa rin sa korte ang demanda ng dalagang anak nina Yayo Aguila at William Martinez na si Patrizha Martinez dahil din sa pambabastos daw ni Baron. (CLICK HERE to read related story.)

SECOND PUBLIC APOLOGY. Ang paghingi ng sorry kay Yasmien ay pangalawang public apology na ni Baron.

Nauna na itong ginawa ng aktor kay Cherry Pie Picache noong Enero 2011 matapos dumulog at mag-complain din ng pambabastos ang aktres sa Professional Artists Managers Inc. (PAMI), isang samahan ng talent managers kung saan miyembro ang manager ni Cherry Pie na si Ed Instrella. 

Ayon sa balita, hinawakan umano ni Baron ang dibdib ng aktres sa taping noon ng ABS-CBN teleserye na Noah, kung saan pareho silang kasama sa cast.

Lasing umano si Baron nang sumalang sa taping, at nagalit naman si Cherry Pie dahil sa nangyari sa kanya. (CLICK  HERE to read related story.)

Agad na tinanggal ang karakter ni Baron sa Noah matapos ang insidente. At nauwi rin ito sa pagsasampa ni Cherry Pie ng formal complaint sa PAMI at sa ABS-CBN.

Sa statement na inilabas ng PAMI noon, pinagbawalan nila ang kanilang talents na makipagtrabaho kay Baron hanggang sa panahong "fully rehabilitated" na siya. (CLICK HERE to read related story.)

Ito naman ang nagtulak kay Baron noon para ituloy na niya ang pagpasok sa rehabilitation center para magamot na niya ang pagkalulong niya sa pag-inom ng alak.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

9 Comments

  • critical_critic

    10/13/2011 | 10:14 PM
    parang hindi naman talaga pag-amin yon kahit pa nag-apologize sya. kasi sa statement nya, he's sorry about the 'misunderstanding' daw between him and yasmien. edi lumalabas hindi nya talaga binastos yung girl, namisinterpret lang yung actions nya? ewan, basta ganon ang dating sakin. oh well, sana nga nagbago na sya at magtuloy-tuloy na
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • fujiko77

    10/13/2011 | 06:47 PM
    i really like Baron as an actor.. pero naghihiraman lang sila ni Negastar ng salita..LOL!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shidax

    10/13/2011 | 09:35 AM
    sana tuloy tuloy na talaga ang pagbabago ni baron at sana umiwas na talaga siya sa mga kaibigang hindi maganda ang tripping sa buhay mas maganda siguro kung mahilig sa sports ang kaibiganin nya.kaya mo yan baron pagnandyan na sa harapan mo ang tentasyon abruptly say NO and go somewhere or away from those people.hindi naman nila buhay ang buhay mo sa iyo yan kaya huwag kang magpacontrol sa mga taong walang karapatan sa gusto at paniniwala mong tama.god bless you always...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pinay_pie

    10/13/2011 | 06:35 AM
    nde nga? sana sincere talaga yang baron na yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • JeepneyDriver

    10/13/2011 | 03:04 AM
    Ok pala yun..iinom lang ako ng alak tapos , puwede na akong manghipo, tapos i-blame ko yung alak sa kamanyakan ko...sabihin ko di ko alam ginagawa ko,,lasing ako ng mga sandaling yun..sorry ha ...Thank you Baron..sa idea..heheheh...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Clara Pastor

    10/12/2011 | 08:24 PM
    sana nga hindi na sya matempt sa alak!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • aaronick

    10/12/2011 | 07:13 PM
    lolamo31, eh di wala ng naging artista ang dos? JOKE!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lolamo31

    10/12/2011 | 06:55 PM
    Dapat me sobriety test yan everytime na mag report for work. abs-cbn must implement a policy - 0 tolerance for drugs n alcohol use while working.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ike

    10/12/2011 | 04:23 PM
    Sana lahat ng kakilala ni Baron wag na siyang offeran ng alak kasi alam nilang may sakit ito. Isa pa dapat may check-point sa shooting. Di siya pwede kung nakainom. Sayang siya e napakagaling pa namang aktor.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About