Noong Martes, October 11, ay present ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng fourth album ni Yeng Constantino sa Rai Rai Ken, SM North EDSA, Quezon City.
Yeng Versions Live ang title ng first live album ni Yeng, at ini-record ito sa harap ng audience sa Teatrino, Greenhills noong June 17.
Siyam sa sampung tracks sa Yeng Versions Live ay mga cover songs ng mga kantang lokal na—ayon kay Yeng—ay humubog sa kanyang kabataan.
Ilan sa mga ito ay ang "Alapaap" ng Eraserheads, "Kahapon Lamang" ni George Canseco," at "Esem" at "Banal na Aso, Santong Kabayo" ng Yano.
Alam ni Yeng na kontrobersiyal ang Yano songs na pinili niya, kaya naman aminado siyang tumaas ang kilay ng ilang tao sa Star Records nang sinabi niya ang nais niyang track list.
Pero satisfied naman ang record company sa final album, kaya proud si Yeng dito.
"Nu'ng natapos namin' to, para akong nanganak, parang ganun, e. Hindi ko naman na-experience 'yun.
"Pero para maglabas ka ng isang product na alam mong nagpakaba sa 'yo at hindi nagpatulog sa iyo ng dalawang linggo, tapos-tapos na, ayun," kuwento ng young singer.
EXTREME & COMPLICATED. Nakatatlo nang studio albums si Yeng—Salamat, Journey, at Lapit—at ikinuwento niyang ibang-iba ang experience ng paggawa ng live album.
"I think, iba, extreme, e. Parehong complicated gawin.
"Kasi yung album na recorded, puwede mo edited, puwede ganyan.
"Kaya lang, sa sobrang haba ng process, minsan, ang haba ng evolution! Change nang change.
"So minsan, nakakapagod din.
"Yung pressure naman nito, gagawin mo siya ng one time sa isang stage, pag nagkamali ka, 'yun na 'yun.




0

