Bea Alonzo doesn't feel pressured to outgross No Other Woman

Jocelyn Jimenez
Thursday, October 13, 2011 @ 07:46PM  |  41990 views

(In Photo) Bea Alonzo: "Alam mo, kaniya-kaniyang moment 'yan. Parang napakasama ko namang kaiinggitan ko 'yong moment ng ibang tao. Every movie naman [may pressure], pero hindi ko ico-compare sa movies ng iba, ang gusto ko lang basta kumita. Actually, it happened naman sa akin and John Lloyd, si Sarah and si John Lloyd, pero never ko naman kinompare sa lahat na mas mataas ang kinita ng pelikula nila."

Photo By: Allan Sancon













Inamin na ng Kapamilya actress na si Bea Alonzo ang halos pitong buwan na nilang relasyon ng aktor na si Zanjoe Marudo.

Sinabi ni Bea na hindi pinagplanuhan ang mga pangyayari, at tila kusa na lang niyang naramdaman na handa na siyang pasukin ang isang relasyon. (CLICK HERE for related article)

Ngayong mayroon na siyang magandang showbiz career, family life, at love life, may mahihiling pa ba si Bea?

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press si Bea kanina, Oktubre 13, sa kanyang birthday presscon sa Restaurant 9501 sa 14th floor ng ELJ Building sa Quezon City.

Kung mayroon man siyang mahihiling, ito'y ang tumagal sa kanya kung ano man ang mayroon siya ngayon.

"Siyempre, mag-last 'to kung ano yung mayro'n ako sa lahat— sa career, sa love life... itong pagiging okey ng pamilya ko, sana mag-last."

OTHER NETWORK OFFERS. Bukod sa kanyang kaarawan sa Oktubre 17, nagdiriwang din si Bea ng kanyang ika-10 taong anibersaryo sa showbiz.

Labing-apat na taong gulang si Bea nang maging bahagi siya ng ABS-CBN, nang mapabilang siya sa Star Circle Batch 10.

Isa siya sa mga Kapamilya talents na may mga top-rating TV shows tulad ng Kay Tagal Kang Hinintay (2002), Maging Sino Ka Man (2006), Betty La Fea (2008), at Magkaribal (2010).

Kaya naman, hindi maiwasang isipin ng iba na nakakatanggap ng offers si Bea galing sa ibang network.

Pero paglilinaw niya, sa ngayon ay wala siyang balak na iwanan ang ABS-CBN.

"Ang tagal pa ng contract ko, until December pa," natatawang sagot ni Bea.

"So, wala naman... As of the moment, I'm happy and na-appreciate ko naman yung mga ganitong events.

"So, wala pa naman, parang I'll cross the bridge when I get there.

"Ngayon hindi ko pa alam... ang tagal pa, so ngayon I can only say ngayon sa kung ano yung sa ngayon, and I'm happy."

1  2  3  Next »

Related Articles

32 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name