Dinalaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang rehearsal ni Vina Morales kaninang hapon, October 13, sa Studio V, sa may New Manila, Quezon City.
Ang nasabing rehearsal ay para sa kanyang birthday show na Silver Party with Vina Morales na gaganapin sa Republiq Bar sa Resorts World, Pasay City, sa Lunes, October 17.

Ang beneficiary ng nasabing birthday concert ay ang National Children's Hospital.
Nadatnan namin si Vina na nakasalampak sa sahig habang tinitingnan sa kanyang laptop ang pegs ng kanyang mga susuutin.
Hinihintay pa ang pagdating ng kanyang musical director kaya nagpaunlak muna ng interview ang singer-actress.
"Nakakatuwa nga kasi, mostly friends ang mga manonood," simula niya.
"It's a small area [referring to the venue]. Plus a big stage. Wow!" excited niyang patuloy.
Guest performers sa Silver Party sina Billy Crawford, Erik Santos, Shaina Magdayao, Gab Valenciano, at Pops Fernandez. Nadagdag din daw si Derek Ramsay.
"And Ciara [Sotto will do a], pole dancing. And then, si Sam Milby pala.
"Si Sam, he will be spinning. Uy! Dumi-DJ siya. Tuwang-tuwa siya kasi yun pala yung hobby niya.
"Kasi naisip ko, 'Ay, club ito, kailangang lambingin ko ito,'" pagtukoy niya kay Sam para raw mag-participate ito.
Sakaling maging successful ang show, may balak ba si Vina na gawin na itong yearly, tuwing birthday niya?
"Mahirap. Stressful. Stressful, e. It's possible, but I don't know... yearly? I don't know.
"For this kasi, it's stressful to me, kasi biglang nag-decide na lang kami. Di ba, yung Star Records... Dyusko, di ko alam kung ano'ng uumpisahan ko.
"But once na it started [yung planning] from there, and then ang dami nang tumulong.




0

