Muling bumabangon mula sa pagkalugmok ang aktor na si Baron Geisler.
Sinimulan nga niya ito matapos siyang mag-public apology noong October 11 kaugnay ng ginawa niyang pambabastos sa aktres na si Yasmien Kurdi sa set ng kanilang taping noong 2009.
Tinanggap naman ni Yasmien ang paghingi ng tawad ni Baron na nagresulta sa pag-urong ng aktres sa kasong Acts of Lasciviousness na isinampa niya kontra kay Baron. (CLICK HERE to read related story.)
Pero, kaugnay nito ay ang paglabas naman ng iba't ibang isyu na sinagot lahat ni Baron sa kanyang live interview kay Boy Abunda para sa "Ikaw Na" segment ng late-night news program ng ABS-CBN, ang Bandila, na napanood kagabi, October 13.
Diumano'y binayaran daw ni Baron si Yasmien para tanggapin ang kanyang apology.
Diumano'y ginawa ni Baron ang pag-a-apologize para mabuhay ang karera nilang dalawa. Ano ang comment ni Baron dito?
"Imposible.
"Unang-una, wala po akong trabaho nang matagal. So, wala akong perang pambayad kay Yasmien.
"Siguro, talagang gusto niya na ring matapos yung kaso.
"Gusto na naming matapos ito at maka-move on sa buhay, hindi ho lamang sa career," paliwanag ni Baron.
Dahil nag-apologize na siya kay Yasmien, gagawin din ba niya ito kay Patrizha Martinez, anak nina Yayo Aguila at William Martinez, na nagsampa rin ng kasong pangmomolestiya laban sa kanya?
"Pending pa rin po yung kaso, so I cannot comment on that po."
WANTS TO BE LIKE JOHN LLOYD. Pag naririnig niya ang pangalan ni John Lloyd Cruz, na kaibigan at kasabayan niya, pero ngayon ay sikat na sikat na, ano ang unang pumapasok sa kanyang isipan?
"I love John Lloyd. I'm proud of him," sagot ni Baron.
Seventeen years in the business, ano ang pinakaimportanteng leksiyon na kanyang natutunan?




0

