news

Miss Philippines-Earth 2011 Athena Mae Imperial clarifies misconstrued statement about Shamcey Supsup

by Glen P. Sibonga posted on October 14, 2011  STATS: 22654 Views | 18 Comments

 

Athena Mae Imperial (main photo) on previous statement about Shamcey Supsup (inset): "I would like to clarify na 'yun po mismong question ay what will make you outshine Shamcey, so meron po talagang particular person dun sa tanong. So, parang na-pinpoint lang po si Ms. Shamcey dun. Ako naman po, ang sinabi ko d'un is my forte, yung Question and Answer portion.

Photo By: Noel Orsal

Nagpapasalamat si Miss Philippines-Earth 2011 Athena Mae Imperial sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon para magpaliwanag tungkol sa isyu ng diumano'y "rivalry" nila ni Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup.

Hindi na raw kasi nagkaroon ng pagkakataon na magpaliwanag si Athena matapos maging isyu ang tungkol sa mga binitiwan niyang salita tungkol kay Shamcey sa kanyang interview kay Boy Abunda para sa Bottomline noon pang June 25, 2011.

Ang tanong kasi ni Boy kay Athena ay: "If you are to compete with Shamcey in a pageant, what part of it will you standout?"

"Question and Answer portion," ang mabilis na sagot ni Athena.

Hindi naman inakala ni Athena na magiging isyu pala ang kanyang honest answer, lalo na nung nakatanggap na siya ng negative comments at feedback sa Internet at mga social networking sites.

Paglilinaw ni Athena, wala naman siyang intensiyong magmalaki o magyabang sa kanyang sagot.

"I would like to clarify na 'yun po mismong question ay what will make you outshine Shamcey, so meron po talagang particular person dun sa tanong.

"So, parang na-pinpoint lang po si Ms. Shamcey dun.

"Ako naman po, ang sinabi ko du'n is my forte, yung Question and Answer portion.

"Du'n naman po sa Bottomline, sinabi ko lang po kung ano yung unang nasa isip ko," paliwanag ni Athena.

Nakausap ng PEP si Athena sa Gabay Guro Grand Gathering ng PLDT-Smart Foundation na ginanap sa SM Mall of Asia Music Hall noong October 9.

Siya ang nagputong ng korona sa nanalong 2011 Gandang Guro mula sa mga guro na tumanggap ng libreng makeover kay Ricky Reyes.

Hindi na nga lang daw pinapansin ni Athena ang mga negative comments sa kanya.

Aniya, "Sa nangyayari po ngayon, ayoko na lang din pong patulan yung mga nagsasabi ng hindi maganda sa akin.

"Pag pinatulan ko po kasi, lalo lang lalaki yung isyu."

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

18 Comments

  • 18  sosingmasa

    10/16/2011 | 02:17 AM
    I like Shamcey...I think she deserved to win the crown. Pero wala namang mali sa sagot nitong kandidatang to. If she thinks she can give better answers in a QA segment, opinyon nya yun. Bakit kelangan tirahan siya ng mga tao for just voicing her opinion. Eh talaga namang provoking yung tanong ni Boy sa kaniya and there's no other way to answer it without incurring anyone's bad reaction. Pag sinabi nyang beauty, titirahin sya, pag sinabi nyang figure, lakad, smile, etc etc, sira pa din siya. Why do Pinoys always bash someone who just wants to speak their minds abt things? Kaya laging paliguy-ligoy and play safe ang tanong parati ng mga iniinterview eh dahil sa ganitong outlook ng mga pinoy public.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  hooney

    10/15/2011 | 06:02 PM
    maliit lang ba ito?naku Athena baka kahit semi final hindi ka makapasok at lalo ka mapahiya kay Shamcey
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  jemorz

    10/15/2011 | 03:41 PM
    tingin q kun bbguhin ni wendolin ruwe an lakad nya n prang kulang s vitamin ppsok xa s semi ng ms world. more praktis, pnoorin nya un laban ni Miriam o kya tsunami wok ni sup2
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  jemorz

    10/15/2011 | 03:37 PM
    no. 10 inpeyrnez sa miz U organzn. nung pnahon ni Miriam Q ovius xa tlga an feyvorit nla 2 win miz U ’99 kaso may QandA e, nrinig ng buong mundo n purfect sagot ni botswanah kya alangan nmn iplit pa nla c Miriam e wlang laman an sagot, buti naka1st runeup pa mas pinaboran pa nga xa kesa dun s spain. pro sayang tlga nnerbyos c miriam sana gumamit nlng kc xa ng interpretr pra kalmado xa s pgsagot dhl hd na xa mgaalala n mgkmali s grammar.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  jemorz

    10/15/2011 | 03:17 PM
    an liit nya mukang 5-4 lng ata itech,naguest s jojo A ol d way ng tv5. d kya xa mgmukang pungok ktbi un mttngkad s ms. Urth.wish q lng mkpasok man lng xa s top 10 kc un last yr waley na waley, hd q man lng nclayan beuty ni filifinz dhl nlate aq kya nmiss q an intro of canddates. lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  yunikrose

    10/15/2011 | 08:56 AM
    wow! venus raj ang buhok--good luck..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  tili_2death

    10/15/2011 | 08:47 AM
    eh bakit ka pa nagpa interview kay Boy?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  zhan2010

    10/15/2011 | 06:53 AM
    cge teh patunayan mo now sinabi mo para bongga at sa pageant d lang naman Q n A ang labanan ngaun parang baklaan portion na labanan fierce na kung fierce natameme kalang teh kc me napa tunayan na c 9c...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  pinoycali_ako

    10/15/2011 | 03:05 AM
    It's ok, libre naman mangarap eh. BUT if Shamcey na perfect candidate hindi nanalo, FOR SURE nobody else would win. Sana Shamcey represented other countries, may chance pa sana cya na ma Miss U!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • maldito

    10/15/2011 | 01:52 AM
    No. 4 pareho namang galing ng UP Diliman si Shamcey and Athena so for sure parehobg matalino
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1pepaddict

    10/15/2011 | 12:05 AM
    i really like Shamcey. walang yabang sa katawan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • cinelamour

    10/14/2011 | 06:40 PM
    ang hindi pa alam ng mga tungiks ay si shamcey at si gwendolyn share the same handler. same trainers.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • cinelamour

    10/14/2011 | 06:39 PM
    si no.2 ayaw sa miss world philippines pero siya itong palaging pasok ng pasok nito. o di ba? tungiks lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • azn

    10/14/2011 | 05:58 PM
    Para siyang matankad na Charice Pempengco
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • cygnet210

    10/14/2011 | 05:54 PM
    I don't like Athena. Ang layo niya kay Shamcey in all aspects.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    10/14/2011 | 05:53 PM
    Wow hanggang ngayon Shamcey pa rin... magtatampo niyan si Miss Kapuso World.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ashsss

    10/14/2011 | 05:17 PM
    ano ba yan!pls naman parang awa nyo,pag-usapan naman ninyo ang nanalo sa MISS WORLD PHILIPPINES ng GMA!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • dustmyeat

    10/14/2011 | 05:16 PM
    ok. ok. ok.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About