Isabel Oli doesn't care about Gab Valenciano's past relationships

Rose Garcia
Friday, October 14, 2011 @ 06:15PM  |  24382 views

 

Isabel Oli on relationship with Gab Valenciano: "Ito naman, as I've said, sinasabi ko talaga sa kanya na, 'Eto, panibagong relationship, bago talaga.' Nag-start kami, clean slate. As in, sinasabi niya sa akin lahat. Ako, sinasabi ko rin sa kanya lahat. As in, bago talaga. Hindi namin kinu-compare ang past namin."

Photo By: Noel Orsal













Kahit nasa pangangalaga na siya ngayon ng Viva Artists Agency (VAA), nananatili pa ring Kapuso si Isabel Oli star dahil may kontrata pa siya sa GMA-7.

Masaya naman daw si Isabel sa Kapuso network, gayundin sa bago niyang management, ang VAA.

"Happy naman ako. I think, plan ng Viva is more on hosting, drama. Doon nila ako ilalagay.

"And  hopefully, magka-album. Dream ko lang yun," nakangiting sabi ng actress-TV host sa presscon ng Daldalita noong Miyerkules, October 12. 

Pero ayon kay Isabel, isa raw yun sa napag-usapan nang pumirma siya sa Viva.

BIDA/KONTRABIDA. Sa pagkakaalam ni Isabel, sa third week pa lalabas ang character niya sa Daldalita. Si Isabel ay si May, ang mabait na teacher ni Jillian Ward (Daldalita).

Sa last soap niya sa GMA-7 na Captain Barbell ay mabait din ang character na ginampanan ni Isabel.

Mas kumportable ba talaga siya sa mababait na roles?

"Well, yun siguro ang sa tingin nila na bagay.

"Pero nagkontrabida na rin ako before, as in—Maging Akin Ka Lamang at Kaya Kong Abutin Ang Langit

"Sobrang kontrabida naman 'yun and psycho na nga actually.

"Ngayon, parang nilalagay naman ako sa mabait. Actually, kahit ano naman," saad niya.

Pero ang malabo raw niyang gawin ay ang sexy roles. Hindi raw talaga siya kumportable kahit pa nasa Viva na siya ngayon.

"Yung sexy, malabo talagang mangyari yun. Ayaw. Hindi ako kumportable do'n. 

"Alam naman ng Viva ang pwede lang at hindi. 

1  2  3  4  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name