[x]

 

"So, tulad ng sinasabi ko dati, just to make it clear at sana tama na, hindi talaga mag-aartista ang mga anak ko. Mag-aartista sila pag sa tamang edad na gusto na nila... Tutulungan ko pa sila," says Aga Muhlach when asked again if he will let his kids Atasha and Andres enter showbiz.

Photo: Noel B. Orsal

Nasa ika-17 taon na ang "MaAga ang Pasko" toy and books donation campaign ni Aga Muhlach at ng fastfood company na Jollibee.

Tuwang-tuwa nga ang 42-year-old na aktor at Pinoy Explorer host, dahil napakarami na raw natulungan ng kanilang kampanya.

"Ang masasabi ko lang ay isang matinding... Wow!" ani Aga sa kanyang speech nung sumampa na siya sa stage ng Skydome sa SM North Edsa, Quezon City, kaninang tanghali, Oktubre 14, para simulang muli ang taunang toys and books drive.

Pinasalamatan ni Aga ang fastfood company na iniendorso at ang taumbayan sa patuloy na pakikipagtulungan sa kanyang simpleng toys drive lang noon para sa isang orphanage.

"Ang taumbayan at lahat ng kababayan natin na, through the years, kept on donating their toys," pasalamat nga ni Aga.

"Umabot sa nagkaroon kami ng mga libro. And then umabot na rin—like last year, I mean two years ago, I think, sa Ondoy, 'di ba?—umabot sa mga classrooms..."

Hindi na nga lang mga laruan, kundi mga libro, classrooms, at mga gamit pang-eskuwela tulad ng computers, ang naibigay na ng kanilang kampanya.

At hindi para sa isang orphanage lang ngayon ang kawang-gawa nina Aga—katulad ng orihinal nilang plano noon—kundi para na rin sa iba't ibang institusyon para sa mga batang ulila, mga kapus-palad na estudyante, at mga paaralang nasalanta ng kalamidad, katulad nga ng bagyong Ondoy.

SPENDING TIME WITH KIDS. Pero kakaiba raw ang kampanya ng MaAga ang Pasko ngayong taon, dahil bukod sa mga materyal na bagay, may bago raw dapat ibigay ngayon sa mga bata, lalo na ang mga magulang sa kanilang mga anak—ang kanilang oras at panahon.

"And I can attest to that," panimulang pagpapatotoo ni Aga.

"Napakaimportante na maibigay natin sa mga anak natin ang tamang values.

"Like for example, my kids are nine years old now. And as tumatanda sila nang tumatanda, pabagal nang pabagal at pakonti nang pakonti ang paghahanapbuhay ko, because I want to spend more time with them.

"And I think the best thing that you can give to your children, is time.

"Importante siyempre sa atin ang pera, kailangan natin 'yun pang-eskuwela nila.

"But then, at the end of the day, really, it's just the time that they want from us parents.