Halatang apektado si Sheena Halili sa lumabas na blind item sa isang daily showbiz talk show na tumutukoy sa kanila ng kanyang Amaya co-star na si Rochelle Pangilinan.
Ayon sa blind item, may iringan daw ang dalawang female stars ng isang primetime series dahil insecure daw ang isang dancer-actress sa mas batang aktres na kasama niya sa show na close sa bida.
Naringgan din daw na sinabi ng mas batang aktres na "mukhang tatay" na ang boyfriend ng dancer-actress.
Nang malaman ni Sheena na siya at si Rochelle ang tinutukoy sa blind-item report na ito sa thanksgiving presscon ng Amaya kagabi, October 13, sa 17th floor ng GMA Network Center ay nabahala siya nang husto.
Paliwanag ni Sheena sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Alam n'yo naman po ako, hindi ako talaga sanay sa mga ganyan.
"Sa totoo lang, hindi talaga ako nagkaka-isyu ng negative.
"Sabi nila, part daw ito ng trabaho ko, pero mas pinipili ko pa rin talaga na tahimik lang, yung nagtatrabaho lang ako.
"Pero yung pakikipag-ano ko sa ibang tao, saka yung personal kong buhay, hindi ko na inilalapit kasi.
"Mahirap, hindi kasi ako sanay, saka hindi ako yung klase ng tao na... parang hindi ko kaya yung gano'n.
"Mas lalo akong nagiging weak."
Iginiit ni Sheena na walang iringang namamagitan sa kanila ni Rochelle sa set ng Amaya.
"Wala, ano ba 'yan?!" bulalas niya.
Kumusta ba sila ni Rochelle?
"Okay lang po, okay lang po," sagot niya.
"Basta ako, wala po akong issue sa kanya.




0

