Nagkaroon ng isyu noon si Sheena Halili at si Yasmien Kurdi ngunit ngayon ay maayos na ang sitwasyon sa pagitan nila.

"Before meron, oo, siyempre. Ikaw ba naman, ako yung dyowa [ni Rainier Castillo], tapos, tinatago ako hindi ako puwedeng aminin. Okay lang yun e, pero alam naman natin na nagka-something sa kanila ni Yasmien habang ano, di ba?" ang kwento ni Sheena.

"Siyempre kahit papaano naman may isyu ako sa kanila pero wala na yun, tapos na rin naman.  Wala na yun, napatawad ko na siya, sila ni Rainier Castillo. Tsaka part talaga yun ng relationship siguro, tsaka bata pa kami noon. Okay lang."

 

 

Photo: Rommel Gonzales

Bilang StarStruck avenger ng Season 1, hiningan namin ng comment si Sheena Halili tungkol sa pagkaka-detain ng mga StarStruck avengers na sina Vivo Ouano at Jerico Rizalado na may kinalaman diumano sa drugs.

"Naku alam mo sa totoo lang, nalaman ko lang yan kay Aljur [Abrenica] kahapon sa [Amaya] taping.  Sa totoo lang, hindi ko ka-close yung dalawang yun, pero siyempre nakakasama ko naman sila sa mga shows dito sa GMA.

"Wala, sana lang lumabas lang talaga yung katotohanan. Sinasabi nga nila na hindi totoo, sana maging ano lang sila, panindigan lang nila na kung sinabi nila talagang hindi, hindi talaga sana," pahayag ni Sheena nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa thanksgiving/presscon ng Amaya kahapon, October 13, sa 17th floor ng GMA TV complex.

Pagpapatuloy pa ni Sheena...

"Kasi napakabata pa nila para masangkot sa mga ganyang ano, di ba? Sa ganyang problema, sa ganyang isyu. So sana lumabas yung katotohanan.

"Naaawa ako sa kanila. Siyempre kung kailangan naman nila ng tulong, kung may maitutulong naman kami na puwede naming gawin, why not, di ba?"

At bilang produkto ng StarStruck, ano naman ang masasabi niya sa pagpapatawad ng ka-batch niya sa Season 1 ng StarStruck na si Yasmien Kurdi kay Baron Geisler.

Tulad ng alam ng lahat, nagkaroon ng demandahang may kinalaman sa sexual harassment sa pagitan ng dalawa.

"Oo naman, siguro naman yung mga ganung ano... lahat naman tayo kailangan marunong naman tayong magpatawad, di ba?

"Tsaka matagal nang  isyu yun, naparusahan naman na si Baron din naman, di ba? Nabigay na rin naman yung gusto nilang mangyari kay Baron.

"So okay naman siguro, napagbayaran na ni Baron yun, ngayon, silang dalawa, mag-start sila ng bagong buhay, magtrabaho sila ulit, di ba? Iyon."

WORKING WITH YASMIEN. And speaking of magtrabaho, kasama na nga nina Sheena at ng buong Amaya cast si Yasmien bilang special guest sa nabanggit na epicserye ng GMA.

"Korek! Ayan, siya si Apila, kontrabida siya dito. Oo lagi ko siyang nakakaeksena, siya yung nang-aaway ngayon kay Amaya."

At sa Amaya, first time na nagkatrabaho nina Sheena at Yasmien sa isang soap opera.

"Oo first time namin actually magkasama sa soap. Nakasama ko kasi siya noon sa Joyride pa, yung unang-una naming show, yun lang."