Naglabas ng report ang TMZ.com tungkol sa problema ni Pacman:

"Manny Pacquiao's former accountants claim they've discovered the boxer's BIGGEST WEAKNESS... he sucks at paying his taxes... this according to a new lawsuit obtained by TMZ.

"... The accountants claim they straightened out his money problems—and even let Pacquiao borrow some cash—but Manny never paid the them back and totally ignored the bill."

Photo: Noel Orsal

May  bagong problema si Congressman Manny Pacquiao at ito ay ang kaso na isinampa laban sa kanya ng VisionQwest Resource Group, ang US-based accounting firm na nilapitan at hiningan niya ng tulong para mag-review ng kanyang mga personal at business contracts at mag-ayos ng problema niya sa buwis sa Internal Revenue Service.

August 2011 nang i-terminate ng Filipino boxing champ ang serbisyo ng VisionQwest bilang accountant.

Naglabas ng official statement noong nakaraang buwan si Michael Lodge, ang President at CEO ng VisionQwest. Sa kanyang press statement, sinabi ni Lodge na hiningi ni Manny ang tulong ng VisionQwest dahil sa paniwala ng sikat na boxer na hindi ito nakakatanggap ng "fair share" mula sa boxing promoter na si Bob Arum.

Ayon sa VisionQwest, marami silang natuklasan mula nang i-hire sila ni Pacquiao bilang accountant.

Wala raw alam ang Filipino boxer tungkol sa kanyang tunay na financial worth. Maraming importanteng dokumento ang nawawala, tulad ng boxing contracts, bank statements, bout proceed distributions, endorsement contracts, promoter at co-promoter contracts, property ownership records at tax problems sa IRS.

Lalong nabahala ang VisionQwest nang malaman nila ang "ridiculous amounts of money" na ibinabayad kay Michael  Konz  at ang kanilang natuklasan ay maliban sa pagiging finance advisor ni Pacquiao, nagtatrabaho rin siya para sa Top Rank.

Sinabi ni Lodge na nadismaya si Manny sa resulta ng review at imbestigasyon ng VisionQwest. Nagbitaw ng salita si Pacquiao na  kakausapin nito si Konz at Top Rank Promoter Bob Arum pero hindi siya gagawa ng legal action dahil tumanggap na siya ng advance payment para sa November 12 fight nila ni Juan Manuel Marquez sa Las Vegas.

Dahil sa sinabi ni Manny, pansamantalang inihinto ng VisionQwest ang kanilang mga imbestigasyon at nagpadala na lamang sila kay Manny ng billing  statement para sa serbisyo nila.

Umasa rin ang VisionQwest  na ibabalik ang pera na inabono nila sa Orange County house na binili ni Manny para kay Konz  pero imbes na bayaran, nakatanggap sila ng termination letter mula kay Pacquiao kaya nagsampa sila ng kaso sa Los Angeles Superior Court.

Naniniwala ang VisionQwest na may kinalaman sina Arum at Konz sa desisyon ni Pacquiao na i-terminate ang kanilang serbisyo.

Personal na natanggap ni Pacquiao ang kopya ng reklamo ng VisionQwest noong October 12.   

Nagkakahalaga ng US$649,016.95 ang lawsuit (for services rendered ) ng VisionQwest laban kay Manny.

Naglabas din ng report ang TMZ.com tungkol sa problema ni Pacquiao. Sinubukan nila na kunin ang panig ng sikat na boxer pero nabigo sila. Ito ang report ng TMZ: 

"Manny Pacquiao's former accountants claim they've discovered the boxer's BIGGEST WEAKNESS... he sucks at paying his taxes... this according to a new lawsuit obtained by TMZ.

"The number crunchers claim they were called in to save PacMan's ass last year... because, according to the suit, Manny's tax issues "seriously affected [his] ability to fight."