news

Bea Binene squashes rumors saying she feels insecure about tween co-stars Barbie Forteza and Joyce Ching

by John Fontanilla posted on October 16, 2011  STATS: 885 Views | 17 Comments

"Kung ang sinasabi nila ay dahil sa binigyan sila [Barbie Forteza and Joyce Ching] ng bida role sa Ikaw Lamang ang Mamahalin kaya ako nai-insecure, hindi po totoo yun. Dahil natutuwa po ako sa kanila dahil kaibigan ko sila," says Bea Binene (above). "Alam ko naman na darating din yung time na mabibigyan ako ng bida role at happy naman po ako sa role ko sa Pahiram ng Isang Ina kung saan marami ang nakakapansin sa pag-arte ko at positive naman lahat."

Photo By: Noel Orsal

Nagulat ang young star na si Bea Binene sa mga naglalabasang balita na kesyo na-iinsecure daw siya sa mga co-stars niya sa Tween Hearts na sina Barbie Forteza at Joyce Ching.
 
 
Di naibigan ni Bea ang alegasyong ito, dahil wala naman daw itong katotohanan.
 
 
Kuwento nga ni Bea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na wala daw puwang sa kanyang puso ang inggit at ni minsan ay di daw ito nainggit kay Barbie at Joyce, o sa kahit na kaninong young stars ng GMA-7, dahil hindi naman daw siya napapabayaan ng kanyang home studio.

Wala rin daw katotohanan na hindi sila okey nina Barbie at Joyce, dahil magkaibigan daw sila at magkasama sa Tween Hearts at Party Pilipinas.
 
 
"Hindi naman yata magandang maakusahan akong nai-insecure sa kapwa ko artista, especially yung mga nakasabayan at kasama ko pa sa show.
 
 
"Dahil ni minsan ay di pumasok sa isip at puso ko ang mainggit sa ibang tao, lalo na't may na-achieve silang maganda sa buhay," ang sabi ni Bea.
 
 
"Di kasi ako yung tipo ng tao na inggitera. Kung ano ang meron ako ngayon, kuntento na ako, kung meron man akong gustong ma-achieve sa sarili ko, pinaghihirapan ko ito hanggang sa makuha ko.
 
 
"Kung ang sinasabi nila ay dahil sa binigyan sila ng bida role sa Ikaw Lamang ang Mamahalin kaya ako nai-insecure, hindi po totoo yun. Dahil natutuwa po ako sa kanila dahil kaibigan ko sila," aniya.
 
 
"Alam ko naman na darating din yung time na mabibigyan ako ng bida role at happy naman po ako sa role ko sa Pahiram ng Isang Ina kung saan marami ang nakakapansin sa pag-arte ko at positive naman lahat.
 
 
"Bakit pa ako maiinggit, samantalang 3 ang regular shows ko? Nandyan ang Tween Hearts, Pahiram ng Isang Ina at Party Pilipinas.  May pelikula pa ako, ang Panday, kaya wala talagang reason para mainggit at ma-insecure ako sa kapwa ko tweens.
 
 
"Sa daming magagandang bagay na nangyayari sa buhay at career ko, wala na akong mahihiling pa right now," ang sabi ni Bea.
 
 
FRICTION ON THE SET? May friction ba silang nararamdaman sa taping?
 
 
"Wala naman po, kasi okey na okey kami sa taping ng Tween Hearts at Party Pilipinas. Para kaming isang pamilya; walang ganyan-ganyan.
 
 
"Tsaka maganda ang pakikisama ko sa kanilang lahat at ganoon din sila sa akin, kaya wala talaga kaming problema.
 
 
"Naniniwala kasi ako na kung maganda yung naging pakikisama mo sa kahit sinong taong makakasalamuha at makakasama mo, artista man siya o hindi, maganda rin ang magiging trato nila sa 'yo at yun ang ginagawa ko.
 
 
"May mga tao lang siguro, talagang gusto kaming pag-awayin, yung mga taong walang magawa at masayang may nakikitang nag-aaway.

 
 
Nag-usap-usap na ba sila nina Barbie at Joyce tungkol dun?
 
 
"Hindi pa po, kasi wala naman po kasing dapat pag-usapan, kasi wala namang katotohanan yung lumalabas na balita.
 
 
Ano ang pakiramdam at madami ang pumupuri sa acting niya sa Pahiram ng Isang Ina?
 
 
"Siyempre, thankful po ako kasi na-a-apreciate nila yung trabaho ko. Ang sarap ng feeling  at mas ginaganahan akong magtrabaho," nakangiting pahayag ng young star.
 
 
"Kaya nga thankful ako kay Direk Joel [Lamangan] kasi namo-motivate niya kami para ilabas kung ano pa yung puwede naming gawin sa eksena.
 
 
"Talagang totoo yung nababalitaan namin na kapag nahawakan ka ni Direk Joel gagaling ka talaga.
 
 
ON JHAKE VARGAS. Balitang nagtatampuhan sila ni Jhake [Vargas] dahil sa selos ?
 
 
"Selos? Kanino naman kami magseselos? Hindi po totoo yun, kung ano yung treatment namin sa isa't-isa, ganun pa rin yung pinagsasamahan namin ngayon.
 
 
"Kami naman ni Jhake, huli na namin yung isa't-isa, kasi halos lagi kaming magkasama dahil  magka-loveteam kami.
 
 
"Tsaka bakit naman kami magseselosan, e, magkaibigan lang talaga kami.
 
 
"Basta ang mahalaga okey kami ni Jhake at maganda yung trabaho at samahan namin. Bahala na sila kung ano ang sasabihin nila sa amin," pagtatapos ni Bea.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

17 Comments

  • 17  hellotweety_87

    10/18/2011 | 09:17 PM
    naman...wag ng icompare kay barbie... di hamak na mas may emotion c barbie pag umaarte...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  yehzzreh

    10/18/2011 | 09:05 PM
    well, ok din namn si bea pero sa sinabing mas may potential syang sumikat kay barbie eh mas lamang na si barbie sa kanya dun ata..si barbie my acting award na kahit baguhan pa lng noon at saka top rated nmn ang shows nya.wag nlng icompare.haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  hellotweety_87

    10/18/2011 | 08:41 PM
    oooowwwwssss????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  obsyf

    10/18/2011 | 07:55 AM
    hay naku wag niyo naman ihalintulad kay palengkerang flop artist na si aling marian si bea. maganda siya at tingin ko may future. si Marian? parang ding bansa... LAOS!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  used2b_kapamz

    10/17/2011 | 09:37 PM
    hotjush 6955 - Tama! May IT siya...tingin ko susunod siya sa yapak ni Marian. The next primetime queen in the future....y not?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  used2b_kapamz

    10/17/2011 | 09:36 PM
    Para sa akin ikaw ang 'batang Marian R.' sa showbiz. Looking forward na magkasama kayo sa isang show. Nagsama na ba kayo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  used2b_kapamz

    10/17/2011 | 09:35 PM
    Para sa akin mas maganda ka kesa kay Barbie at mas gwapo si Jake o si Derrick kesa kay Joshua. Di ko ma take kung sabihin nilang 2nd lang kau sa JoshBie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  used2b_kapamz

    10/17/2011 | 09:33 PM
    ang ganda mo, Bea. Love ko ang love triangle niyo ni jake at ni derrick m.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • midnightblue

    10/17/2011 | 02:32 PM
    palagay ko mas may potential na sumikat si bea kesa kay barbie. mas may lalim ang acting niya. mahusay siya sa pahiram..., at ang galing din nung batang lumalabas na brother niya, hindi ito cute pero natural ang acting.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • madzsify

    10/17/2011 | 01:46 PM
    more project pa po kay BEA, ang galing galing ni bea mag drama tska si jhake. ang ganda nung story ng pahiram ng isang ina. sana po magkameron din sila nang comedy na show. hehe.. for me one of the best ang love team ng JhaBea. love na love ko talaga sila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • dixisiete

    10/17/2011 | 01:30 PM
    more blessings... mali ung spell knina ee...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • dixisiete

    10/17/2011 | 01:26 PM
    TAMA.. bakit nman maiinggit si bea sa mga kasama nya sa TH... kung tutuusin prng mag kakapatid na sila sa GMA ee.. more bleesings to you bea.. at wag mong babaguhin yang mgndang ugali mo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mc_am

    10/17/2011 | 12:21 PM
    I like this girl. Very down to earth. Good actress too. I don't like the other girls in Tween Hearts, but I like Bea.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • cherry0274

    10/17/2011 | 12:25 AM
    infairness i like this young star she is good in acting even first time ko lang cya nakita sa pahiram ng isang ina galing ng acting niya keep it up soon you will be noon as big star in showbizness at sana gma will give her nice project because she has the factor or pang masa really i like her
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hot_josh6955

    10/17/2011 | 12:05 AM
    eto ang pinaka sisikat sa TWEEN HEARTS. mark my word.. My "IT" sya..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • purplebaguiocats

    10/16/2011 | 07:03 PM
    napakaganda ng batang ito, pinakamaganda sya sa lahat ng mga ka batch nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • akoydreamer

    10/16/2011 | 05:46 PM
    Paganda ng paganda ang Pahiram ng isang Ina.Ang galing ni Carmina Villaroel! I hope GMA will give her more serious project at hindi lang hosting para hindi na lumipat si Carmina.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About