news

Daddy Manny or Ninong Manny?: Culinary Arts student denies Manny Pacquiao is the father of her child; says the boxer-politician is only one of the godfathers

by Jojo Gabinete posted on October 17, 2011  STATS: 2439 Views | 247 Comments

 

Congressman Manny Pacquiao is in the news again after a report came out claiming that he allegedly fathered a lovechild with a 22-year-old Culinary student. But Kat Ordoñez, the alleged other woman, denied this in a phone-patch interview with Showbiz Central.

Photo By: Noel Orsal

Sa pamamagitan ng phone-patch interview kahapon, October 16, sa Showbiz Central, agad na pinabulaanan ng isang Kat Ordoñez ang balita na si Congressman Manny Pacquiao ang ama ng bata na pinabinyagan niya noong September 17.

Ginanap ang binyagan sa St. Francis de Assisi Church, Mandaluyong City, at idinaos naman ang baptismal reception sa Edsa Shangri-La—ang hotel na hindi kalayuan sa nabanggit na simbahan.

Ginawa ni Kat ang denial isang araw matapos ilabas ng tabloid na Bulgar ang mga litrato mula sa naganap na binyag.

Ayon sa artikulo ni Janice Navida na lumabas noong October 15 sa Bulgar, may isang tao raw na nagpadala sa kanya ng email ng baptismal photos ng alleged lovechild nina Manny at Kat.

"Vice Ganda" raw ang ginamit na codename ng source at may email address daw itong "gantiwomanizer@gmail.com."

Ayon pa raw sa nag-email, "Even though Manny Pacquiao acted as one of the 'ninongs', he is actually the father of the child!"

Kabilang din daw sa mga ninong sa binyag ang songwriter/composer na si Lito Camo at ang aktor na si Phillip Salvador—kapwa malalapit na kaibigan ng Filipino boxing champ.

Incidentally, nakikilala na rin ngayon bilang si Pacquiao bilang "Ninong Manny" dahil sa pagiging host niya ng game-variety show na Manny Many Prizes sa GMA-7.

THE KAT IS OUT OF THE BAG.  Sa interbyu ng Showbiz Central, sinabi ni Kat—isang 22-year-old Culinary Arts student—na ikinagulat niya ang paglabas ng mga litrato ng binyag ng kanyang baby boy sa Bulgar.

Ayon kay Kat, "Hindi po totoo 'yon.

"Si Congressman Manny Pacquiao, hindi po tatay ng anak ko.

"Kinuha ko lamang siya na ninong ng anak ko sa binyag na naganap noong September 17 sa St. Francis de Assisi.

"Ipinanganak ko po ang baby ko noong November 17, 2010 sa Capitol Medical Center.

"Hindi po totoo na si Congressman Manny Pacquiao ang tatay ng anak ko kasi po imposibleng mangyari 'yon.

"Imposibleng si Congressman Manny Pacquiao ang maging tatay ng anak ko, kasi po yung father ng baby ko, yung nasa Dubai."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

247 Comments

  • 87  Monicafer

    10/18/2011 | 01:44 AM
    Dapat tandaan ni Jinkee ang kaakibat ng tagumpay, pera ay tukso. Idagdag pa ang mga taong nakapaligid kay Manny. Kahit anong gawin na pagbabantay gagawa at gagawa ng milagro si Manny sa tulong ng kanyang mga alipores. Ang problema hindi maingat si Manny kaya nabubuking. Kung totoo man eto, tanggapin na lang ni Jinkee na eto ay isang pagsubok. Tutal siya naman ang legal wife kaya taas noo dahil siya ang may karapatan sa lahat ng naipundar nilang mag-asawa. Dapat tandaan na ang bata ay walang kasalanan at tanggapin ng buong puso hindi lang etong huling anak kung sakali pati na ang nauna. Seguro namin makukunsensya si Manny at hindi na uulit. Ang mga taong nakapaligid kay Manny ang siyang magiging dahilan ng marami pang problema sa kanilang pagsasama.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 86  winonao1

    10/18/2011 | 12:23 AM
    sabi nga ni charlene sa the buzz kapag daw nangaliwa asawa mo it lowers your self esteem kaya cguro nagparetoke etong si jinkee akala nya pag gumanda sya eh di na maghahanap ng iba asawa nya di nya alam innate na alaga kay manny ang pagka you knw hehehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 85  winonao1

    10/18/2011 | 12:18 AM
    marami naman dyan mas mayaman at mas popular pa kay manny pero di naman nangangaliwa. ang sabihin mo nasa pagkatao yan, ayaw gumamit ng contraceptivees kasi malaking kasalanan daw sa mata ng dyos pro ano naman masasabi nya sa pakikiapid nasa ten commandments kaya yan very basic core sa christian values kaloka!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 84  Maria1

    10/18/2011 | 12:15 AM
    This is a lesson to Jinkee, too much money and plastic surgery is sure not a guarantee to real lasting happiness. Insecurity according to Gelli de Belen breeds a lot of unnecessary emotions that make one's life complicated. So true, I agree. Ano na lang ba kung daming pera sila Jinkee pero yon, wala namang peace ang life nila. Kawawang Jinkee.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 83  winonao1

    10/18/2011 | 12:10 AM
    kaya nga ang payo ko ky jinkee BILANG ISANG BABAE hiwalayan nya si manny pro dapat after na ng pagretiro ni manny sa boxing. tingnan natin kung kanino ang huling halakhak. wag na syang umasa na magbago ang pagkagwapo2 na lalakeng yan. wala na kasing kadala-dala. maliwanag pa sa sikat ng araw na WALANG RESPETO SI MANNY SA ASAWA NYA! tutal ang ganda na ni jinkee ngayon at sexy pa may asim pa ang lola nyo marami pa ang magkakagusto at mamahalin sya ng tunay at di pagtataksilan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 82  moulder

    10/17/2011 | 11:57 PM
    Alam nating lahat ang pinagmulan ni Manny, he lacks formal education, kaya nga napunta sya sa boxing eh yan ang kabuhayan nya, ngayon nag eexplore sya kung may iba pa syang talent at karapatan nya yon bilang isang tao, tayo dapat ang unang umunawa kay manny kung anu paman ang gusto nyang abutin maging ito man ay sa alam nating wala sa kanyang kakayanan
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 81  bubble_n_squeak

    10/17/2011 | 11:55 PM
    wala ako pakels sa anumang gawin ng peeps sa life nila. pero yung pagiging maganda or pagpapaganda is not a guarantee na hindi na magloloko ang guy and same din sa gals. remember jfk to jackie. she's beautiful, smart and classy. prince charles to diana. and marami pang iba.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 80  misstoe

    10/17/2011 | 11:48 PM
    Sus Jinkee naman, huwag ka nang magbulag bulagan at mag bingi-bingihan no...expected na iyan with someone as famous as Manny..kung si Willie Revillame nga na nagmamaya-mayaman lang eh daming anak sa labas si Manny pa....hays...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 79  danyap

    10/17/2011 | 11:46 PM
    I dont think so Manny is giving pride to our country.. he's doing it only just for himself.. for the sake of money! sa palagay nyo ba kung wlang premyo ang mga laban nya, patuloy pa rin ciang ngbboxing?? At ngaun hndi lng cia sa boxing ring nakkita, kung saan saang show na hndi naman nya forte, umaakting, kumakanta, nghhost, nasa politics! ganyan bang klaseng tao ang ngbbigay ng dangal sa ating mga pilipino??
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 78  alexis2222

    10/17/2011 | 11:44 PM
    celebrity si manny... tanggapin man nya or hindi, part and parcel ng pagiging athlete nya ang celeb status, at walang celebrity ang nakakaligtas sa mga intriga... kaya nga the more dapat na nagiingat sya... and let's not forget, bukod sa pagiging visible nya sa TV as host and actor, congressman din sya... so hindi pwedeng diktahan ang kahit na sino kung punahin ang mga activites nya... ngayon kung mali talaga at sa tingin ng kampio ni MP na paninirang puri ang ginawa ng reporter, may legal option sya...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 77  moulder

    10/17/2011 | 11:37 PM
    Iba ang sitwasyon ni Manny, buhay nya ang nakataya sa sports nya, hindi lang tagumpay ang binigay ni manny sa bansa natin pati dangal nating lahat, anu bang model ang pinag sasabi nyo eh tao din yan hindi sya perpekto, ibang iba parin ang kultura ng mga pinoy hindi parin nag babao hangang ngayon, kaya naman ang bansa natin napag iiwanan na kasi tayo tayo nag hihilahang pababa, baho ni manny imbes na foreign correspondents ang maglabas tayo pa mismo ang nag bubulgar, ang pinoy nga naman kaya walang pag unlad ang pilipinas
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 76  Lokotoy

    10/17/2011 | 11:34 PM
    Ibigay na ang Hermes...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 75  winonao1

    10/17/2011 | 11:20 PM
    grinandgiggles- i agree! si manny na rin naman mismo ang nagbibigay ng problema sa sarili nya, di na sya naawa sa asawa nya! di na sya nadala! sinasaktan nya di lng si jinkee damay pati mga anak nya. as if naman yayaman ako tuwing nanalo si manny noh although proud ako bilang pinoy sa achievement nya pro technically wala naman akong nahihita lol!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 74  grinandgiggles

    10/17/2011 | 11:14 PM
    nagbibigay nga ng dangal sa bansa si Manny pero dapat naman serve as a model din sa kapwa nya...saka kung nag boxing sya madami naman syang perang nakukuha dito di naman pinoy ang nakikinabang sa pagkadami daming pera at dollars na nakukuha nya tuwing lumalaban sya...madami ding athletes na nagbibigay ng dangal sa pinas pero di sila nilalagay sa pedestal kung me maling ginagawa di yan rason para di sila patikusin...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 73  winonao1

    10/17/2011 | 11:04 PM
    71 camde---- aw ganun ba. thanks! makapanood nga ng episode na yun ng Showbiz central sa wowhaneptv baka andun hehehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 72  moulder

    10/17/2011 | 11:00 PM
    Manny P. is no ordinary celebrity, binuwis nya buhay nya ng maraming beses para dangal ng mga Plipino, please spare him and his family sa mga intrigues, konting respeto naman dyan mga showbiz reporters, gamitin nyo naman consyensya nyo, winawarak nyo pamilya ng taong nagbigay dangal sa ating bansa ng di lang isang beses, pag nasira si manny sa labang darating sira tayong lahat naisip nyo bayon? Mga walang kwentang showbiz reporters?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 71  camdej2312

    10/17/2011 | 10:45 PM
    Pepsters, kung napanood nyo yung Showbiz Central kahapon may pic dun na pinakita sa isyu ng nasabing tabloid with Manny, Kat, and the baby..kuhang-kuha ang jaw or panga ni PacMan..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 70  moviefandin

    10/17/2011 | 10:06 PM
    ganun talaga kung start na nang pagbilang ng mga anak ni pacman sa ibang mga girls. too much money and nothing else to strive for. too much attention from everyone. the couple forgot their simple life which was just a couple of years ago. jinkee should not bribe or dare everyone to show proof. baka maubos ang koleksyon nya or mawalan na ng value ang hermes dahil masyado ng commercialized. not everyone is addicted to shopping and material things. mas matimbang ang samahan, besides manny's friends are guys loyal sila kay manny and not jinkee.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 69  Clara Pastor

    10/17/2011 | 10:05 PM
    simple lang nman yan ninong si manny kung hindi makapunta bakit hindi pumunta si jinky di ba ninaNG din sya kasi husband naman nya ninong?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 68  grinandgiggles

    10/17/2011 | 09:58 PM
    bakit nga pala si Jinkee di kasama eh nag ninong si Manny? obvious na galit si Jinkee dahil di sya susunod para manood ng laban ni Manny...walang effect ang pagpapaayos nga kung ano ano ni Jinkee dahil nambababae pa din ang asawa nya!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About