Aljur Abrenica has no time for love; indulges in new sport

Arniel C. Serato
Tuesday, October 18, 2011 @ 12:15PM  |  7714 views

 

"Wala akong nililigawan sa ngayon, kasi marami tayong ginagawa sa ngayon. Mahirap pagsabayin. Gusto ko, pag may nakarelasyon ako, naibibigay ko sa kanya yung time para sa kanya. Yung tamang responsibilidad. Hindi [ko] kaya talagang pagsabayin, e. Kasi, nahihirapan ako sa schedule ko," says Aljur Abrenica when asked about his lovelife.

 

Aljur on his new sport: "Matagal ko na kasi gusto talagang mag-firing, e. Lalo na, naimpluwensiyahan ako ng dad ko. Kasi, magaling din siya sa firing. Ngayon lang ako pinayagang humawak ng baril. Ngayon lang."

 

Photo By: Arniel C. Serato













Kapansin-pansing medyo pumayat at naging lean ang pangangatawan ni Aljur Abrenica nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Sabado, October 15, sa dressing room ng Zirkoh comedy bar sa may Tomas Morato, Quezon City.

Kasalukuyang naghahanda si Aljur that time para sa kanyang performance sa The Yummies special show. Kasama ni Aljur sa show sina Jose Manalo, Wally Bayola, Edgar Allan Guzman, at Markki Stroem.

Habang nag-aayos ang young actor ay humihirit kami ng tanong sa kanya.

Una naming tinanong sa kanya kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon.

"Ngayon, siyempre sa Amaya. 'Yun talaga ang pinagkakaabalahan ko sa ngayon [at] Party Pilipinas.

"Upcoming movies, wala pa naman masyadong detalye.

"Tapos yung sports ko, nagdyi-gym ako, Muay Thai.

"'Tsaka yung bago kong pinagkakaabalahan, yung target shooting, firing," banggit ni Aljur.

READY, AIM, FIRE! Bago sa pandinig namin ang firing na isa na raw sa pinaglalaanan niya ng oras. Bakit naman kaya ito ang napili niyang sport sa ngayon?

Paliwanag ng Kapuso hunk, "Matagal ko na kasi gusto talagang mag-firing, e.

"Lalo na, naimpluwensiyahan ako ng dad ko. Kasi, magaling din siya sa firing.

"Ngayon lang ako pinayagang humawak ng baril. Ngayon lang."

So, dati na niyang pangarap ito?

"Oo, bata pa lang ako. Pag nakikita ko dad ko, gusto ko na talagang humawak ng baril.

"Pero, hindi pa ako pinayagan [noon] kasi nga bata pa ako.

1  2  3  Next »

Related Articles

27 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name