Kabilang si Toni Gonzaga sa mga nagwagi ng awards sa kakatapos na 3rd Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila University nitong nakaraang Linggo.
Napanalunan ni Toni ang Best Female Pop Artist of the Year at napili rin siyang Face of the Night.
PBB SEASON AGAIN! Kakagaling lang daw ni Toni sa taping ng primer ng bagong season ng Pinoy Big Brother sa ABS-CBN, kung saan isa siya sa mga hosts.
"Galing ako ng PBB, naka-gown ako. Nag-start na kasi kami ng primer at short spiels na pang-teaser, preparation ng PBB. So, exciting.
"Kaya 'eto, naka-gown. Sinegue ko na rin. Saka, malapit sa akin ang PMPC dahil napaka-supportive nila sa mga programa namin.
"'Pag may mga presscon kami... ang laki ng tulong nila sa amin talaga," punung-punong paghanga ni Toni sa bumubuo ng award-giving body na nagbigay sa kanya ng award, sa interview na ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.
Ibinalita na nga ni Toni na nagsimula na sila sa PBB.
"Yes, and eventually as the days go by, mas hahaba ang updates dahil ipakikila na naming isa-isa yung mga sinalang housemates."
BYE MARIEL! Sa pagbubukas ng bagong PBB, wala na si Mariel Rodriguez bilang isa sa mga co-hosts sa show. Lumipat na kasi ang dati nilang co-host sa TV5.
Nakaka-miss ba si Mariel?
"Siyempre, definitely this is going to be a whole lot different from the past seasons na ginawa namin.
"Pero at the same time, we also moved on and we should all move forward sa panibagong season ng PBB," pahayag niya.
Ngayong gabi ng Martes ang presscon ng PBB kaya tumangging magbigay ng impormasyon si Toni kung may kapalit na ba si Mariel.
"So, siguro mas maganda at right time [presscon tonight] 'yun na sila na ang mag-announce ng mga pagbabago sa PBB ngayong year na ito.
"Baka mapagalitan ako ni Direk Lauren [Dyogi, business unit head na may hawak sa PBB].




0

