news

Philippine bet for 2011 Miss International crown Dianne Necio relates sad story behind her beauty pageant dream

by Rommel R. Llanes posted on October 18, 2011  STATS: 513 Views | 9 Comments

 

"Para sa akin, parang sobrang hirap, na yung ginawa mo 'yun for them, 'yun pala, hindi na nila kaya. Hindi ka na nila kayang samahan," sadly relates 2011 Bb. Pilipinas-International Dianne Necio who lost her father this year to a heart ailment after winning her crown.

Photo By: Rommel R. Llanes

Sa kabila ng kasiyahang ipinapakita ni Bb. Pilipinas-International 2011 winner Dianne Necio kaninang tanghali sa official send-off sa kanya ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) sa Gateway Suites, Araneta Center, may lungkot pa ring nadarama ang 19-year-old na Bicolana.

Hindi na kasi masisilayan ng kanyang ama ang pagsali niya sa taunang Miss International beauty pageant na gaganapin ngayong taon sa Chengdu, China sa November 6.

Pumanaw ang ama ni Dianne na si Edwin Necio nung Abril ng taong ito dahil sa sakit na cardiomyopathy, ang panghihina ng puso dahil sa abnormal na paglaki nito.

Pero bago pumanaw ang ama ni Dianne ay napanood pa nito kung paanong nakoronahan ang dalaga bilang Bb. Pilipinas-International.

"Nanood lang siya sa bahay kasi nga may heart ailment na siya for about four years. So, talagang binabantayan siya ng doctor niya.

"Nasa bahay lang siya. Naka-oxygen nga siya habang nanonood siya," paglalahad pa ni Dianne sa mga umi-interview sa kanyang media, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dahil sa pagpanaw ng kanyang ama, tuluyan nang naulila sa magulang si Dianne at ang kanyang nakatatandang kapatid na si Daniel.

Nauna na kasing pumanaw ang kanilang ina noong pitong taon pa lang si Dianne.

Sakit din sa puso at multiple organ failure ang ikinamatay naman ng kanilang ina.

DREAM STARTED WITH HER MOTHER. Kuwento ng dalagang tubong-Albay, dahil sa kanyang ina kaya siya sumali sa Binibining Pilipinas.

Ipinagpatuloy niya lang daw ang pangarap na ito ng kanyang ina nung sumali na nga siya nung nakaraang taon at manalo bilang Binibining Pilipinas 2010 1st Runner Up.

"'Yun yung nagbigay sa akin ng idea: 'Why not join again and try if I can compete internationally?'

"'Tapos yun. Inalay ko yun for my dad. Kasi sabi niya sa akin, lalakasan niya daw [ang katawan] kasi gusto niyang makita akong lumaban pa uli. Gusto niya makita akong manalo.

"So, nag-pursue ako na hindi na ako makakapaghintay. Ididiretso ko na 'to. Kailangan, sali agad."

Matapos nga niyang manalo bilang runner-up nung nakaraang taon ay nag-resign siya kaagad para lang makasaling muli sa taunang beauty pageant ni Stella Marquez-Araneta.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

9 Comments

  • cygnet210

    10/19/2011 | 11:44 AM
    Goodluck Dianne!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • poshpixie

    10/19/2011 | 10:56 AM
    O? Tapos?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • drewnt08

    10/19/2011 | 09:51 AM
    mas maganda naman ito kaysa kay miss world. goodluck!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapiso68

    10/19/2011 | 09:21 AM
    i think ang pinaka walang exposure na world beauty pageant ay itong Ms International. No hype. Not televised. Boring contest kase China ba or Japan ang organizing country.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapiso68

    10/19/2011 | 09:18 AM
    she looks like Ehra Madrigal. Well, she is "recycled" beauty queen, She has competed in a number of pageants already. Wala na mapili ang mga judges so this time pinagbigyan na lang sya. pathetic!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    10/19/2011 | 08:49 AM
    PEP wala na bang balita kay Miss Kapuso World?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • maldito

    10/19/2011 | 08:44 AM
    akala ko may scandal about binibining pilipinas charities
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • agusanonko

    10/19/2011 | 08:25 AM
    akala ko anong sad tungkol sa likod ng beauty contest n kbbalghan..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • usilang

    10/18/2011 | 10:54 PM
    Condolences, and good luck!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About