Tawa nang tawa ang magaling na komedyante na si Arnell Ignacio nang makausap kamakailan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono.
Una naming inusisa ang tungkol sa tsismis na natulala raw ang baguhang indie actor na si Kenneth Salva matapos kunan ang kissing scene nila sa pelikulang Bola.
"Natulala ba? Hindi ko napansin. Parang hindi naman.
"'Tsaka hindi naman torrid kissing scene 'yun. Normal na halikan lang," halakhak ni Arnell.
"'Yun nga lang, medyo napatagal yata, baka siguro first time niya nakipaghalikan sa kapwa lalaki.
"Kasi napansin ko na parang asiwa siya. Kinakausap ko nga siya na trabaho lang yun at walang personalan.
"Kumbaga, 'wag lagyan ng malisya,'" tawa niya ulit.
"Sabi ko kasi sa kanya, parehas kaming lalaki kaya walang malisya sa akin," natawa uli niyang dugtong.
"Ewan ko kung naniwala. Parang hindi," mas malakas pa niyang tawa. "Kaya siguro medyo nabigla."
"Alam mo naman ako, kung ano ang ipinagagawa ni Direk 'yun ang ginagawa ko at pinaghuhusayan ko," tuluy-tuloy niyang halakhak.
"Pero, after nung take... nung eksenang 'yun, parang wala lang, nag-uusap pa kami.
"Kaya hindi naman siguro siya natulala. Kasi kung natulala yun, 'di na ako kinausap.
"'Tsaka, before naman nag-start yung shooting ng pelikula namin, siguro naman nabasa niya yung script at alam niya na may ganung eksena.
BYE SUZUKI, HELLO KENNETH? Totoo ba na si Kenneth na yung ipinalit mo kay Suzuki Sadatsugo?(CLICK HERE to read related article)
"Hindi naman siguro ipinalit. Pangit naman kasing sabihing ipinalit, kasi para naman silang gamit.




0

