Protégé male and group contenders: (Clockwise) Nomer Limatog, Jr., Kenneth Monico, and So What—composed of Janina Franchesca Gonzales, Sander Sigurdson, Ermund Regacion, and Kyrsty Arabelle Alde.

Photo: Courtesy of GMA-7

Narito naman ang dalawang male contenders at nag-iisang group finalist sa Protégé:


NOMER LIMATOG. At 10 years old, pinakabatang contender sa Protégé si Nomer Limatog, Jr.

Sa palagay ba niya ay lugi siya o lamang siya dahil siya ang pinakabata?

"Lamang po!" ang mabilis na sagot ni Nomer na pambato ng Cebu.

"Dahil ano po, e, bata pa po ako, e.

"Kung matalo ako or manalo ako dito, may iba pa pong contest na masasalihan ko."

Hindi raw siya natatakot na mas matanda sa kanya ang lahat ng mga kalaban niya.

Alam daw niyang kaya niyang tapatan ang boses ng iba niyang katunggali.

Gusto niya talagang maging singer at ang paborito ni Nomer ay ang Journey band vocalit na si Arnel Pineda.

Saan niya namana ang mataas niyang boses?

"Baka binigay po sa akin ito ng Panginoong Diyos," sagot ng protégé ni Rachelle Ann Go.

Walang magaling na singer sa pamilya nila?

"Ano po, dati yung mama ko 'tsaka papa ko, kumakanta po sila dati."

Tatlong magkakaptid sina Nomer at siya ang bunso.

Sa palagay niya, sa mga kalaban niya, sino ang pinakamagaling?