Tuloy na tuloy na ang shooting ng Hollywood actor na si Jeremy Renner sa Pilipinas para sa susunod na pelikula sa Bourne franchise.
Ito ang kinumpirma ni Mr. Briccio Santos, head ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), kanina, October 19.
Nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon para sa Moviemov Italian Film Festival na ginanap sa isang hotel sa Makati.
"They're coming January, I think. They will be here for five weeks," ang mabilis na kumpirmasyon ni Santos.
Ang Bourne movies ay ang series ng pelikula tungkol kay Jason Bourne, isang dating CIA assassin na may memory loss.
Tatlo na ang na-produce sa franchise na ito: The Bourne Identity (2002), The Bourne Supremacy (2004), The Bourne Ultimatum (2007).
Si Matt Damon ang gumanap sa lead character sa tatlong pelikula.
Sa bagong Bourne movie, iba naman ang karakter na gagampanan ni Jeremy Renner, na na-nominate for an Academy Award para sa mga pelikulang The Hurt Locker (2009) at The Town (2010).
Gaganap din si Jeremy bilang Hawkeye sa Avengers movie na ipapalabas sa 2012.
Hindi pa alam kung ano ang script ng bagong Bourne movie, pero halos kalahati ng pelikula ay kukunan sa Pilipinas.
Pagpapatuloy ni Santos, Manila talaga ang ide-depict sa pelikula.
"It's going to be in Manila. So it's going to be Manila as Manila, unlike previously, when they're doing something, they'll go 'Manila as Bangkok' or something. It's Manila as Manila.
"So it's a good advertisement for the country."
Maganda raw ang idudulot ng pagsu-shoot ng isang Hollywood film sa Pilipinas.
Noong 1970s pa raw kasi ang huling Hollywood production na nag-shoot sa Pilipinas: ang pelikulang Apocalypse Now ni Francis Ford Coppola.




0

