Jolo Revilla will resume work after being confined due to severe migraine

Melba Llanera
Thursday, October 20, 2011 @ 05:03PM  |  17505 views

 

"Akala ko ordinary migraine lang, pina-MRI [magnetic resonance imaging] nila ako. Sabi nila sa result sa MRI, normal... Biglang pumapasok yung isang doctor, may internal hemorrhage nga raw. Bigla akong kinalabutan, bigla akong namutla. Dumating ang parents ko, nag-decide sila na ilipat ako ng St. Luke's for second opinion.  Dun lumabas na hindi siya internal haemorrhage, e,  migraine lang talaga. Namamaga yung brain, pero hindi siya internal hemorrhage," says Jolo Revilla about the reason of his confinement.

Photo By: Noel Orsal













Marami ang nagulat at nag-alala nang kumalat ang balita na kaya isang linggo raw na pinagpahinga sa My Binondo Girl si Jolo Revilla ay dahil may nakita raw na internal bleeding sa utak ng young actor. 

Lalo pang tumindi ang intriga nang hindi ma-contact si Jolo, bagay na lalong nagpatibay sa kumalat na balita.

Sa Catholic Mass Media Awards (CMMA) na ginanap sa San Carlos Seminary sa Makati kagabi, October 19, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolo.

Naroon si Jolo para sa tribute na ibibigay sa lolo niyang si Ramon Revilla, Sr. as CMMA Lifetime Achievement awardee.

Agad naming tinanong ang young actor kung ano ba talaga ang naging sakit niya at kung kumusta na siya ngayon.

"Actually, nagsimula siya ng migraine lang, tapos tumaas yung BP [blood pressure] ko ng 170/100. 

"Actually, nangyari yun Tuesday last week. Diretso ako Makati Med.

"Akala ko ordinary migraine lang, pina-MRI [magnetic resonance imaging] nila ako.

"Sabi nila sa result sa MRI, normal... Biglang pumapasok yung isang doctor, may internal hemorrhage nga raw. Bigla akong kinalabutan, bigla akong namutla. 

"Dumating ang parents ko, nag-decide sila na ilipat ako ng St. Luke's for second opinion.  

"Dun lumabas na hindi siya internal haemorrhage, e, migraine lang talaga. 

"Namamaga yung brain, pero hindi siya internal hemorrhage."

Nag-alala nga raw nang husto ang mga magulang ni Jolo na sina Senator Bong Revilla at Representative Lani Mercado.

Kuwento ni Jolo, "Supposed to be, dapat papunta silang Cebu pero hindi sila natuloy."

Hindi ba siya nakakaramdam ng ibang mga sintomas para masabing may dapat talaga siyang ipag-alala?

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name