Robin Padilla backs out from MMFF 2011; asks Gov. ER Ejercito to give back seed money

Monching Jaramillo
Thursday, October 20, 2011 @ 05:48PM  |  174 views

Robin Padilla on his decision to back out from MMFF this year and his "plea" to get back his seed money: "E, Governor, personal kong pera  yun. Sana, personal mo ring pera ang ibalik mo sa akin. Ako'y maggi-give in para sa 'yo dahil kaibigan kita pare. At alam mo yun na sabay tayong nag-umpisa. Sabay tayong nasa ilalim ni Elizabeth Vidanes [his manager]."

Photo By: Monching Jaramillo













Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Robin Padilla kaninang tanghali [October 20], sa dressing room ng pinagsasamahang sitcom nila ni Vhong Navarro na Todo Max, sa Studio 10 ng ABS-CBN.

Ayon sa action star, sa November daw magsisimulang umere ang kanilang sitcom.

Hindi na kami nagpaliguy-ligoy pa at direkta nang tinumbok ang isyung 'di na nga matutuloy ang entry ni Robin na Mr. Wong sa nalalapit na Metro Manila Film Festival 2011.

Una kasi rito ay nagpahayag dito sa PEP si Gov. ER Ejercito na ang slot ng movie ni Robin ay mapupunta na pelikula niyang Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga. (CLICK HERE to read related story)

Ayon pa rin kay ER, nakatanggap na sila ng tawag mula sa committee ng taunang MMFF na hinihintay na lamang daw nila ang formal letter from Robin's camp na 'di na sila sasali sa filmfest.

ROBIN'S DECISION! Umano ay hindi pa nakakapagsimulang mag-shooting sina Robin kaya malabo nang umabot sila sa deadline ng pagsumite ng kanilang entry sa MMFF.

"Sa parte namin, wala kaming naging problema. Smooth lahat kami.

"Unang-una, gusto ko munang pasalamatan ang Regal [Films], si Mother Lily [Monteverde], si Roselle [Monteverde-Teo]," simula ni Robin.

"Ang pagpupugay ng RP Productions sa kanila, e, sobra-sobra ho.

"Sa lahat po ng staff namin, sa director namin, humihingi ako ng paumanhin kung nagdesisyon ako na, 'huwag na lang tayong sumali.'

"Ako yung taong... ayoko ng gulo, e. Kasi, nagsawa na 'ko sa gulo. Kung ako mismo pag-uumpisahan ng gulo, 'wag na lang," pahayag niya.

THE REASON. Ano ba ang rason sa likod ng desisyon niyang ito? Schedules ba ng mga artista, moral, o financial support kaya?

"Ang Regal, 'di siguro magiging problema ni Mother ang pera. Oo, at ang RP Productions [named after his brother Rommel Padilla], hindi magiging problema ang shooting kasi kumpleto kami, e.

"Mula sa camera hanggang sa online, off-line, editing, coloring. Lahat 'yan, mero'n kami niyan. Wala kaming problema.

"Sa scheduling ng mga artista, ayaw naman nating maghulog [o, manlaglag] ng mga kaibigan natin.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

19 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name