Nikki Gil on skeptics about her stand to remain a virgin until marriage: "Hindi ko naman trabaho na kumbinsihin silang birhen ako. Kung ayaw nilang maniwala, 'di huwag! Hindi naman sila ang pakakasalan ko, e."

Photo: Paulo Fernandez

Nakakangiti na ngayon si Nikki Gil sa tuwing matatanong siya tungkol sa kanyang poser, o nagpapanggap na siya sa Twitter. 

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nikki sa kakatapos na Star Awards for Music, ibinalita nitong tumigil na ang kanyang poser.

"Na-off siya," masaya niyang balita kasunod ng kuwento niya kung bakit siya naimbiyerna sa kanyang poser.

"Kasi nagtu-tweet siya... ginamit niya ang picture ko. Nagtu-tweet siya.. nire-retweet niya yung mga sinasabi ko. 

"Hindi naman sana ako... hindi ko sana siya pakikialaman. Kaso nagagalit na yung mga friends ko dahil,' bakit ba doble-doble kang nagtu-tweet?' [sabi nila]. Kaya naman pala.

"Wala naman siyang violent moves against me sa Twitter. Yun lang yung sinasabi niyang ako yung nanggagaya sa kanya.

"Pero, maraming nagsasabing naka-close na. E, blinock ko na. 

"Hindi ko na pinagtutuunan ng atensiyon," kuwento niya na nagsabing maging ang kanyang boyfriend na si Billy Crawford ay nagkaroon din ng poser.

"Si Billy nagkaroon rin ng gano'n. Yun yata ang uso ngayon. Wala na yung haters, posers naman ngayon. 

'Siyempre, may mga ibang nami-mislead. May mga ibang nagkakamali ng follow. 

"Pag nagtu-tweet ng maling information at 'pag mero'n rin siyang nire-retweet na komento ng mga haters tungkol sa ibang artista.

"E, paano kung isipin nilang ako yun, 'di ba?" paliwanag niya.

HOW'S BILLY? Pagdating naman sa kanyang kasintahang si Billy Joe. Wala naman daw problema sa relasyon nilang dalawa, ayon kay Nikki.

Kinumpirma nga ni Nikki na aalis nga ang boyfriend patungong France sa darating na January 2012 para ipagpatuloy ang kanyang international career.