Sa thanksgiving presscon na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN sa 14th floor ng ABS-CBN Bldg. kaninang pananghalian, October 21, ibinalita ni Cristine Reyes na extended ang airing ng afternoon drama series niyang Reputasyon.
"Due to public demand, mae-extend po kami ng two months po.
"Kasi dapat, November lang, 'tapos until next year na kami. Due to public demand.
"So, maraming salamat po, siyempre kay Lord dahil binigyan niya ako ng blessing ulit," pagbabalita ni Cristine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang imbitadong press.
Balita pa ni Cristine, dahil extended sila ay may mga bagong papasok na characters na dapat daw abangan ng viewers ng show.
"'Tsaka yun pala. Kaya tayo nag-presscon daw dahil high rating daw ang Reputasyon," pahabol pang balita ni Cristine.
Ang pahayag na ito ng Kapamilya actress ay base sa national ratings ng Kantar Media-TNS.
SHARING CROWN WITH ANNE. Pagkatapos ng pagbabalita tungkol sa kanyang TV show, agad na pinukol ng mga tanong tungkol sa kanyang box-office movie na No Other Woman ang 22-year-old actress.
Ayon sa Star Cinema, as of October 12 ay kumita na ng P220 million sa loob ng tatlong linggo ang pelikula na pinagbibidahan nina Cristine, Anne Curtis, at Derek Ramsay.
Nalagpasan na raw nito ang kinita ng isa pang Star Cinema movie na pinagbidahan naman nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz nung 2009—ang You Changed My Life.
Isa na nga sa mga tanong kay Cristine tungkol sa No Other Woman ay kung payag ba siyang mag-share sila ng korona ni Anne bilang Box-Office Queen.
"Siyempre kung dalawa kami, dapat dalawang award iyon," sabi muna ni Cristine.
"Okey lang iyon, kesa wala!
"At least, meron akong masasabi ko sa pagtanda ko na, 'Oy, one time naging highest grossing film ako,' 'di ba?
"Masasabi ko iyon pag nagkaroon na 'ko ng mga anak o apo-apo, 'di ba? Magiging proud ako do'n.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
16 eisenheim1
15 fANNEatic
14 doreen08
13 doreen08
12 Christiana219
11 pinoycali_ako
10 puckerlips143
9 kulitkulitko
8 washdckami
7 zama_jap
6 zama_jap
5 kapusofromsingapore
4 KapusongAstig
3 global2010
2 netopia1976
1 jcmien
more comments