news

Edgar Allan Guzman on "rivalry" with Coco Martin: "Wala naman pong rivalry sa ngayon. Kaibigan ko si Coco, 'tsaka idol ko siya."

by William R. Reyes posted on October 22, 2011  STATS: 635 Views | 3 Comments

Nagbabantang maging "drawback" sa magandang tunguhin sa career ni Edgar Allan Guzman ang mga issue na nauukol sa kanyang personal na buhay, partikular ang may kinalaman sa kanyang love life. Ang napapaulat, nagiging "sagabal" ang relasyon nina Edgar Allan at ng dating Sex Bomb Dancer na si Johlan Veluz. Whether or not nagli-live-in na ang dalawa is a personal decision.

 

Photo By: Noel Orsal

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edgar Allan Guzman noong Linggo ng gabi, October 16, bago magsimula ang ceremonies para sa 3rd Star Awards for Music ng PMPC (Philippine Movie Press Club). 

Among other things, unang binanggit namin kay Edgar Allan ang tungkol sa pagiging bago niyang endorser o modelo ng Bench.

"Nasa Bench na... salamat naman po," nakangiting sambit ng premyado ring young actor.

"Gusto ko pong ma-meet si Mr. Ben Chan," sabi rin ni Edgar Allan, ang tinutukoy ay ang may-ari (proprietor) ng kilalang brand ng local apparel.

Bago lang ang naiulat na endorsement deal, sa pamamagitan ng manager ni Edgar Allan na si Noel Ferrer, kaya understandable na hindi pa pormal na nagkakakilala ang young actor at ang nasabing owner.

"Masaya ako, lalo na nu'ng naibalita sa akin na,  yun nga, inaayos; na may possibility na maging sponsor ko yung Bench.

"Lahat naman po ng young stars, pinapangarap na maging isang Bench endorser.

"So, ako, masaya po.  At the same time, kinakabahan din ako.  Excited na rin ako na mag-pull out ng mga damit, sa Bench," sabi pa ni Edgar Allan, na hanggang April this year ay endorser ng isa pang brand ng men's apparel, ang Le Froge.

RIVALRY WITH COCO MARTIN.  Bilang Bench model-endorser ay naging malaking bentahe ito sa career ni Coco Martin.  

Bukod sa pagiging award-winning actor, at unang tinaguriang "Indie Prince" of local movies, ang pagiging Bench model ni Coco ang masasabing sukatan ng pagiging totoong sikat niyang aktor, matapos siyang mai-kontrata sa ABS-CBN at Star Magic.

Ganito rin ang landas na tinutungo ng pagiging artista ni Edgar Allan Guzman. 

In fact, tinagurian na rin siyang "New Indie Prince" nang mag-tuluy-tuloy si Coco sa pagiging mainstream (and occasional indie) actor.

Hanggang manalong best actor sa nakaraang Cinemalaya Filmfest 2011 si Edgar Allan, para sa New Breed entry, Ligo Na U, Lapit Na Me, ni Direk Erick Salud. 

Once he becomes a full-fledged Bench model, mas magiging malinaw ang "rivalry" nila ni Coco.  Or doesn't Edgar Allan think so?

"Hindi naman," sagot ng aktor.  "Wala naman pong rivalry [sa amin ni Coco], sa ngayon. Kaibigan ko si Coco, 'tsaka idol ko siya."

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

3 Comments

  • kapiso68

    10/22/2011 | 11:55 AM
    This young man is so fortunate. May acting vehicle with the Superstar! Galing ah!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • critical_critic

    10/22/2011 | 10:30 AM
    ah bench pala. kala ko yung pulang table cloth nila ang imomodel nya lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • angel25

    10/22/2011 | 10:14 AM
    ang laki ng gwinapo nito. nagmukhang decente yung looks nya. sana lang wag syang magpasaway. kung kelan andyan na papasikat na, nagpapasaway pa......gwapo sana silang tatlo dati sa EB yang mga Mr. Pogi finalists.....I wonder nasan na yung dalawa.....kala ko yung isa andyan din sa TV5, yung model ng Nescafe.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About