news

Edgar Allan Guzman on "rivalry" with Coco Martin: "Wala naman pong rivalry sa ngayon. Kaibigan ko si Coco, 'tsaka idol ko siya."

by William R. Reyes posted on October 22, 2011  STATS: 644 Views | 3 Comments

Nagbabantang maging "drawback" sa magandang tunguhin sa career ni Edgar Allan Guzman ang mga issue na nauukol sa kanyang personal na buhay, partikular ang may kinalaman sa kanyang love life. Ang napapaulat, nagiging "sagabal" ang relasyon nina Edgar Allan at ng dating Sex Bomb Dancer na si Johlan Veluz. Whether or not nagli-live-in na ang dalawa is a personal decision.

 

Photo By: Noel Orsal

Lately, tila may objection din, mula sa pamilya ni Edgar Allan, as attested to by the young actor's mom, Mrs. Rosario Guzman.

Tungkol sa mga ito'y ayaw talagang mag-elaborate ni Edgar Allan.

Sa PEP interview, nasabi naman niya nang bahagya ang saloobin, on such personal matters.

"Siguro, yun lang ang akala ng tao," ani Edgar Allan, about talks na may patuloy silang tampuhan ng kanyang manager na si Noel Ferrer over his girlfriend.

Edgar Allan has since made peace with Ferrer.

"Hindi naman po siya nakikiaalam sa akin.  Hangga't maaari, ayoko pong maapektuhan.

"Ang tagal din naman ng pinagsikapan ni 'Sir' Noel; ang daming pagsubok na dinaanan, kung ano'ng meron kami ngayon," pag-unawa rin ni Edgar Allan, which somehow further settled the issue.

Sa gabi ng 3rd Star Awards for Music, kasabay ng panalo ng Sakto, ay ang balitang pagkakaayos din ng gusot between manager and talent.

HIS "OTHER" NANAY.  As to his "problem" with his own mother, Mrs. Rosario, over his girlfriend, Johlan, wala namang nabanggit (kundi man "umiwas" nang magbanggit) tungkol dito si  Edgar Allan.

Ang mas ikinatutuwa niya'y ang pagbanggit kay Nora Aunor, his stepmom in the TV5 mini-serye, Sa Ngalan Ng Ina. 

Sinasabi talaga ni Nora na "anak" (o anak-anakan)  niya na rin si Edgar Allan, at ganu'n na lang ang suporta sa kanya ng superstar.

"Nagulat nga ako," nakangiting banggit ni Edgar Allan.  

"May eksena kami [ni Ate Guy] sa kotse, tapos sinabi niya, 'O, nanay mo na ako, ha?'

"Nakakatuwa din na sinabi niya 'yon," wika pa ng young actor.

Na-inspire nga raw siyang lalo sa trabaho dahil sa suporta ni Nora Aunor.

« Prev  1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

3 Comments

  • kapiso68

    10/22/2011 | 11:55 AM
    This young man is so fortunate. May acting vehicle with the Superstar! Galing ah!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • critical_critic

    10/22/2011 | 10:30 AM
    ah bench pala. kala ko yung pulang table cloth nila ang imomodel nya lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • angel25

    10/22/2011 | 10:14 AM
    ang laki ng gwinapo nito. nagmukhang decente yung looks nya. sana lang wag syang magpasaway. kung kelan andyan na papasikat na, nagpapasaway pa......gwapo sana silang tatlo dati sa EB yang mga Mr. Pogi finalists.....I wonder nasan na yung dalawa.....kala ko yung isa andyan din sa TV5, yung model ng Nescafe.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About