Bagay si Mikael Daez at ang StarStruck V's Ultimate Female Survivor Sarah Lahbati. Kaya lang, si Sarah ay makakatrabaho ng co-Mercator talent na si JC Tiuseco sa Kokak ng GMA-7 along with TJ Trinidad. So naudlot na ang pagiging loveteam nila ni Mikael at Sarah.

"I'm looking forward to working with her [again], kasi friends kami and everything," Mikael says.

 

 

Photo: Noel Orsal

"True enough! Nung nanalo siya proud na proud ako, tinext ko yung manager ko [Mercator's Jonas Gaffud], 'Congratulations to my manager who trained Shamcey!'"

Si Mikael, kahit anong contest or male pageant, never sumali kahit noon.

"No. Hindi ko type yung ganun, hindi ako bagay sa ganun," natatawa niyang sinabi.

THRIFTY. In one of his past interviews, naikuwento ni Mikael na wala pa siyang sariling kotse at nanghihiram lang siya sa kanyang kuya ng sasakyan.

Nakabili na ba siya ng kotse?

"No, not yet. Hindi pa naman kailangan. I get to go around naman. Pag kailangan na kailangan na talaga, dun ako mag-iisip kung bibili ako ng kotse o hindi."

Maingat sa pera si Mikael; hindi siya nagbibibili ng kung anu-anong bagay na hindi naman niya kailangan."

"Oo, pero parang gusto ko yung iPhone 4S, yung bago, pinapag-iisipan ko pa."

Marami naman siyang savings at kumikita siya ng maganda sa pag-aartista at pagmo-modelo at pagho-host ng events.

"Pero kailangan hinay-hinay lang sa spending."

Sino ang pinakanami-miss niya sa Amaya since namatay na ang karakter niyang si Lumad sa naturang epicserye na pinagbibidahan ni Marian Rivera?

"Yung mga nakaka-eksena ko lagi siyempre! May parang barkada kami dun e, yung parang Team Barkada, si Lumad, si Kuling [Dion Ignacio], si Agul [Pancho Magno], si Amaya, si Bayang [Ana Feleo] so sila yun, sila, sila yung mga madalas kasama ko, so nami-miss ko yung mga moments na magkakasama kami, nagkukulitan bago mag-eksena, yung mga ganun."

Mikael's next project is with Dingdong Dantes and Rhian Ramos, ang bagong soap opera ng GMA na may working title na Sundo.