news

(UPDATED) FIRST READ ON PEP: John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao split up

by Erwin Santiago posted on October 24, 2011  STATS: 9072 Views | 244 Comments

 

Kinumpirma ng isang reliable PEP source na hiwalay na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao. Dawit sa breakup ng dalawa ang dating nakarelasyon ng aktor na si Ruffa Gutierrez (inset).

Photo By: Noel Orsal

Break na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.

Ito ay kinumpirma ng isang reliable source sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong umaga, October 24.

Ayon sa source, nag-ugat ang breakup nina John Lloyd at Shaina sa birthday party ni Bea Alonzo noong October 8, Thursday, sa The Establishment sa The Fort, Taguig City.

Imbitado sa party ni Bea sina John Lloyd at Shaina, pati na si Ruffa Gutierrez.

Si Ruffa ay nakarelasyon ni John Lloyd bago pa naging girlfriend ng aktor si Shaina.

Pagkatapos nito, nagkita-kitang muli sina John Lloyd, Shaina, at Ruffa sa birthday concert ni Vina Morales, ang nakatatandang kapatid ni Shaina, noong October 17, Monday, sa Republiq Bar, Resorts World Manila, Pasay City.

Guest performer si Shaina, samantalang kabilang sa audience si John Lloyd.

Present din sa audience si Ruffa, na kasama naman ang mga magulang na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez.

Ayon sa source, pagkatapos ng birthday concert ni Vina ay nagsimula na raw ang pagpapadala ng text messages ni Shaina kay Ruffa.

Hindi matukoy ng source kung ano ang nilalaman ng mga text messages, pero ayon sa isa pang source, ang laman ng text ay: "Leave us alone!"

May mga lumabas ding reports sa ilang tabloids na nagselos diumano si Shaina dahil nakipagkuwentuhan si John Lloyd kay Ruffa—at maging sa isa pang ex-girlfriend ng aktor na si Liz Uy—sa birthday ni Bea.

Bagamat hiwalay na si John Lloyd kina Ruffa at Liz, pinaniniwalaang maganda pa rin ang pakikitungo nila sa isa't isa, at kaswal na nakikipag-usap si John Lloyd sa dalawang dalaga tuwing nakikita niya ang sino man sa kanila sa mga okasyon—gaya na lang ng birthday ni Bea.

Ayon sa PEP source, ang ginamit pa diumano ni Shaina sa pagti-text kay Ruffa ay mismong cell phone ni John Lloyd.

Nang malaman daw ito ni John Lloyd, nagkaroon na ng gulo sa pagitan ng magkasintahan.

Humantong nga raw ito sa breakup ng dalawa, na hindi pa nila ipinapaalam sa publiko.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

244 Comments

  • 44  bandit54

    10/24/2011 | 11:29 AM
    maybe JLC haven't found the right one.It's not only woman who longed for the right person to come along.Guys also feels the same way.It's not bec.JLC's love affairs didn't last long ,it's always his fault.It seems that JLC is a simple guy,decent,quiet,don't bit around the bush when he was asked about his personal life.Maybe his past relationships did not complement what he's been looking for.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  winonao1

    10/24/2011 | 11:25 AM
    hahahha nagpa-party na cguro si rufing ngayon! at last nagtagumpay ang bruha at take note sya ang naging dahilan. im sure pag-ininterview itong si rufing mas lalong magiging feeling ito..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  aaronick

    10/24/2011 | 11:22 AM
    Di ba nga, sila mismo ang umamin, BORING DAW ANG KANILANG LOVELIFE. Ano pa ba gusto nila? Maswerte nga sila, may lovelife, yung iba, wala. But then again, hindi sila bagay sa simula pa lang. So John Llyod, honestly, is the type of person na walang kasiyahan. Sorry for JLC fans, but that's the truth. Ang dami niyang naging karelasyon na kung tutuusin ay OK na OK. Pero hindi rin nagtagal. And I'm sure, after Shaina, matagal pa rin itong magse-settle down.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  pinoycali_ako

    10/24/2011 | 11:21 AM
    hay naku Shaina, pag insecure ka, maski Ruffa yun or Liz or with any woman, u will get nowhere talaga. Palaaway ka kasi kaya nagsawa din JL sayo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  msbayugo

    10/24/2011 | 11:19 AM
    di naman sila bagay eh.. kaya ok lang.. mas may kilig pa kay ruffa at john loyd eh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  zabeth58

    10/24/2011 | 11:18 AM
    nagsawa na siguro si john lloyd kay shaina sa pagiging selosa. o kaya boring ang lovelife nilang dalawa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  Jockinthepan

    10/24/2011 | 11:16 AM
    Tama mabuti din ang kahigpitan ng mga magulang ni Sara or else naku isa na sana sya sa na chuva ni JLC. Good girl Sara G
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  winonao1

    10/24/2011 | 11:15 AM
    sabihin na nating maalaga si jlc pero ang tanong loyal ba? di ba nakikipagflirt? pwera lng sa mga selosa talaga na wala sa lugar ang pagseselos ay normal lng naman lalung-llau na kun may dapat talagang pagselosan. maswerte si bea alonzo kasi sabi dba wala daw selos issue between her and zanjoe kasi si zanjoe isnt the type na mahilig makipag-flirt..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  michaelaangel74

    10/24/2011 | 11:14 AM
    Jealousy....if you really loves a person bakit ka pa magseselos??? wala naman nagagawang mabuti sa isang relasyon ang selos ng selos...kung wala kang tiwala sa isang tao in the first place di mo sya dapat mahalin. Nag-aaksaya ka lang ng oras at nagpapagod ng isip at pang-hihina sa katawan ang pagiging selosa or seloso...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  fifiandtheflowertots

    10/24/2011 | 11:14 AM
    ang cheap naman ng reason ng break-up, si ruffing na matanda na. kung si liz ang pinagselosan, oks lang kasi di masyadong matanda pero kung si ruffing, nakowww! baka lantaran ding naglandi itong si ruffing. yucks.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  jjjjjjjjjj

    10/24/2011 | 11:11 AM
    andthe winner is ruffa .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  lanalang08

    10/24/2011 | 11:10 AM
    I am not surprised at all. hindi ang babaeng katulad ni shaina lang ang pakakasalan ni jlc. marami pa siyang mabibingwit before he settles down. ano ang katangian ni shaina para siya siryosohin ni jlc. iyan ang tanong. kaya sa mga next victims ni jlc mag isip isip kayo. parehong pareho sila ni piolo and kc. boring ang relasyon nila dahil dry silang tignan. look at bea and zanjoe, iyan ang taong in love at pinakikita sa mundo. and baka next din sa kanila ay si maja and matteo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  wanna_change

    10/24/2011 | 11:10 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  usbfre07

    10/24/2011 | 11:07 AM
    Shaina, dont hate Ruffa cause shes beautiful,hate her cause your bf thinks so...heheh Grow up woman! naging obsessive na ang babaeng ito...You really need to learn from Jinkee...Hermes anyone? lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  bac_tol

    10/24/2011 | 11:07 AM
    Hindi nyo ba nabasa ang buong article? Sinabi ng buong buo dito kung pano inalagaan, inasikaso at pinrotektahan ni John Lloyd si Shaina. Mas pinili na nga nya ito kesa kay Ruffa, ibig sabihin mahal nya talaga si Shaina. Pero napupuno din ang lalaki kung sobra na ang pagseselos. Cellphone pa nya ang ginamit. Pero bakit nga ba napakaselosa ni Shaina? Hindi ba ang sabi pinagpalit nya din daw si John Prats kay John Lloyd. Takot sa sariling multo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  hayohay

    10/24/2011 | 11:06 AM
    kasi naman si Ruffa, parang ewan din. kung talaga wala na, di na dapat niya ine-entertain itong si JLC.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  wanna_change

    10/24/2011 | 11:05 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  winonao1

    10/24/2011 | 11:05 AM
    ayan kasi shaina nakipaghoneymoon kana kasi for 1 month sa europa ayan tuloy naghahanap na naman si jlc ng ibang putahe lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  fecatada

    10/24/2011 | 11:02 AM
    Bakit naman mainsecure si Shaina kay Ruffing na single na single si Shaina at bata pa icompare kay Ruffa pero di ko mablame si Shaina kasi ganyan talaga ang babae sana ayaw nating may ugnayan ang Mr natin sa ibang babae......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  pepato

    10/24/2011 | 11:01 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About