Kung sa taped interview ng The Buzz kay Ruffa Gutierrez ay hindi pinangalanan ng actress-TV host kung sino ang nagte-text sa kanya ng "psychotic message at ungodly hours," sa showbiz talk show naman niya sa TV5, ang Paparazzi Showbiz Exposed, kahapon, October 23, ay napilitan si Ruffa na magkuwento tungkol sa mga natanggap niyang text messages.
Ito ay dahil na rin sa pag-uurirat ng mga kasama niya sa show na sina Cristy Fermin, Mo Twister, Dolly Anne Carvajal, at Zoren Legaspi.
Base sa Paparazzi episode na ito, ang naturang texter ay walang iba kundi si Shaina Magdayao, ang girlfriend ni John Lloyd Cruz, na nakarelasyon naman ni Ruffa noon.
Kaugnay pa rin ito ng nangyaring pagtatagpo nina Ruffa, Shaina, at John Lloyd sa birthday concert naman ni Vina Morales noong October 17. Kapatid ni Shaina si Vina, habang kaibigan naman ni Ruffa ang birthday celebrator.
Pinag-usapan nga ang maiinit na tweets ni Ruffa pagkatapos ng naturang event tungkol sa isang insecure na tao na nagte-text sa kanya.
Marami ang naintriga kung sino raw ba ang pinatatamaan niya sa Twitter. May mga naghinala na si Shaina ang pinatutungkulan ng tweets ni Ruffa.
THE BIRTHDAY CONCERT INCIDENT. Bago pag-usapan ang tungkol sa text ni Shaina, unang ipinasalaysay ni Cristy kay Ruffa ang ginawa nitong pag-attend sa birthday concert ni Vina.
Ayon kay Ruffa, hindi nga raw siya dapat pupunta rito dahil may sakit siya.
"That whole week, talagang may sakit ako, may trangkaso ako, I had a flu.
"Wala akong balak talagang pumunta. But because she [Vina] keeps on texting also, bumili ako ng ticket sa kanya, and then binigay ko sa lawyer ko.
"Now, that afternoon, when I got home, my mom and dad [Annabelle Rama and Eddie Gutierrez] said, 'O, ba't di ka pa nakabihis? Alis na tayo. Pupunta tayo sa concert ni Vina.'
"Sabi ko, 'I'm so sick, I'm not going.'
"Sabi ni Mommy, 'Day, mahiya-hiya ka naman. Pumunta ka. Kaibigan [si Vina] at lagi siyang nandiyan para sumuporta sa iyo.'
"So, na-guilty naman ako and I went. And I had a good time.
"Talagang masaya ako kasi nandun ako para suportahan si Vina."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
93 winonao1
92 winonao1
91 winonao1
90 aiveec
89 syetedos
88 lyka25
87 malaya2007
86 malaya2007
85 tili_2death
84 pinoyako24
83 pinoyako24
82 syetedos
81 badjaobabe
80 SimonLaplace
79 fecatada
78 DamonSalvatore143
77 peppercomment
76 gabriela414
75 jjjjjjjjjj
74 lanalang08
more comments