news

Ruffa Gutierrez confirms receiving "not very nice and not very kind" text messages from Shaina Magdayao; reveals John Lloyd Cruz apologized to her

by Glen P. Sibonga posted on October 24, 2011  STATS: 3347 Views | 213 Comments

 

Ruffa Gutierrez on text messages she received from Shaina Magdayao:  "The following day, at nine in the morning, tumawag sa akin si John Lloyd and he said, 'I'm very sorry for what happened last night. May mga problemang nangyari. But I apologized kasi hindi ka dapat madamay.' So, it's very clear na wala akong kinalaman kung anuman ang pinag-awayan nila at nadamay lang ako. Hindi ako dapat nadamay."

Photo By: Noel Orsal

Kung sa taped interview ng The Buzz kay Ruffa Gutierrez ay hindi pinangalanan ng actress-TV host kung sino ang nagte-text sa kanya ng "psychotic message at ungodly hours," sa showbiz talk show naman niya sa TV5, ang Paparazzi Showbiz Exposed, kahapon, October 23, ay napilitan si Ruffa na magkuwento tungkol sa mga natanggap niyang text messages.

Ito ay dahil na rin sa pag-uurirat ng mga kasama niya sa show na sina Cristy Fermin, Mo Twister, Dolly Anne Carvajal, at Zoren Legaspi.

Base sa Paparazzi episode na ito, ang naturang texter ay walang iba kundi si Shaina Magdayao, ang girlfriend ni John Lloyd Cruz, na nakarelasyon naman ni Ruffa noon.

Kaugnay pa rin ito ng nangyaring pagtatagpo nina Ruffa, Shaina, at John Lloyd sa birthday concert naman ni Vina Morales noong October 17. Kapatid ni Shaina si Vina, habang kaibigan naman ni Ruffa ang birthday celebrator.

Pinag-usapan nga ang maiinit na tweets ni Ruffa pagkatapos ng naturang event tungkol sa isang insecure na tao na nagte-text sa kanya.

Marami ang naintriga kung sino raw ba ang pinatatamaan niya sa Twitter. May mga naghinala na si Shaina ang pinatutungkulan ng tweets ni Ruffa.

THE BIRTHDAY CONCERT INCIDENT. Bago pag-usapan ang tungkol sa text ni Shaina, unang ipinasalaysay ni Cristy kay Ruffa ang ginawa nitong pag-attend sa birthday concert ni Vina.

Ayon kay Ruffa, hindi nga raw siya dapat pupunta rito dahil may sakit siya.

"That whole week, talagang may sakit ako, may trangkaso ako, I had a flu.

"Wala akong balak talagang pumunta. But because she [Vina] keeps on texting also, bumili ako ng ticket sa kanya, and then binigay ko sa lawyer ko.

"Now, that afternoon, when I got home, my mom and dad [Annabelle Rama and Eddie Gutierrez] said, 'O, ba't di ka pa nakabihis? Alis na tayo. Pupunta tayo sa concert ni Vina.'

"Sabi ko, 'I'm so sick, I'm not going.'

"Sabi ni Mommy, 'Day, mahiya-hiya ka naman. Pumunta ka. Kaibigan [si Vina] at lagi siyang nandiyan para sumuporta sa iyo.'

"So, na-guilty naman ako and I went. And I had a good time.

"Talagang masaya ako kasi nandun ako para suportahan si Vina."

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

213 Comments

  • 73  inggiteraparin

    10/25/2011 | 01:13 AM
    lets wait for shaina, mebbe, prolly, something happened that night na ikinaselos ni shaina. john AND RUFFA both said they didnt even had a chat that night BUT dont forget they may not have talked to each other BUT their eyes were talking lols OR like my dear friend ehemm said......R and J used the peripheral vision lols need your help ehemm sauce i dont know how to use it in a sentence..come to my rescue please. lols at baka habulin ako.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  catinthehat

    10/25/2011 | 12:54 AM
    Pa OT lang kaya pala biglang bomongga fashion ni Marian Rivera client na pala sya ni Liz Uy. Dati pa t-shirt t-shirt lang sya ngayun napaka bonggacios na from bags, shoes, jewelries and outfit. And all I can say sa love triangle na etech..JLC ayusin mo ang mga babae sa buhay mo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  tili_2death

    10/25/2011 | 12:54 AM
    Sinong hindi magpapadala ng "not so nice text messages" to you, eh heaven knows what you were doing pa inosente ka pa. jows ko! Kung good friend mo si JLC it is best to not add fuel to fire--then again YOU never learned. Mabasa sana ito ni Yilmaz para siya naman ang mag send ng "not so nice text messages" sa 'yo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  fifiandtheflowertots

    10/25/2011 | 12:51 AM
    nakow, i think they need to grow up all of them lalo na si ruffing! katanda na, flirt flirt pa rin ng bata yuckssss! nakow, ur teenage years is long gone now ruffing, yang mga wrinkles mo natabunan lang yan ng mga salamat po doktor procedures. act ur age di mag react si shaina kung di ka nag flirt flirt, known ka pa naman na recycle ng recycle ng mga issues.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  BlueBonnet

    10/25/2011 | 12:46 AM
    Surot at walang hiya pala itong si Ruffing! Kaibingan ni Raymond si Liz Uy, tapos sinurot nya si JL kay Liz. Nasaaan ang delikadesa diyan? At ngayon hindi pa matanggap na iniwanan sya ni JLC at ipagpalit kay Shaina. Pinapalabas na si Shaina ang masama pero sa tingin ko kagustuhan nya talaga na mangyari ito. Traidor talaga. Para syang kontrabida sa mga soap opera. Kunyari nagbait-baitan yon pala sya ang evil.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  catinthehat

    10/25/2011 | 12:39 AM
    Wala ako masabi sa love triangle na etech, OT lang kaya pala biglang gumanda fashion ni Marian Rivera client na pala sya ni Liz Uy, di ba dati pa t-shirt t-shirt lang sya, ngayun naging bongga from bags, shoes, jewelries and outfit.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  pinoycali_ako

    10/25/2011 | 12:27 AM
    Grabeh pagka insecure ni Shaina na ginamit pa cellphone ni JL. Parang ang ganda lang pala talaga ni Ruffa ang nakakaduot ng kanyang insecurity ha. Pasalamat ka nga dyan Shaina sa pinagagawa mong harrassment sa gabi hindi ka pa sinampahan ng kaso kasi kung ako yun I would gladly do it!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  gjoel

    10/25/2011 | 12:03 AM
    really, this love triangle makes me wanna throw up.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  winonao1

    10/24/2011 | 11:56 PM
    maria1-- ur welcome!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  winonao1

    10/24/2011 | 11:51 PM
    yeag agree naman ako na mali naman talaga ang ginawa ni shaina pero sa tingin nyo walang maling ginawa si rufing hahaha dyan ako di naniniwala..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  winonao1

    10/24/2011 | 11:44 PM
    kung mahal ka talaga ng isang tao di mo kailangan ibahin kung ano ka, lets say kung ikaw yung type na home buddy at ang bf naman ay mahilig sa bar di mo kailangang magpretend at sama ng sama sa bf just to please him kasi ang totoong pagmamahal di naman ganyan kababaw. at tsaka ang bf di po yan dyos na kailangan mong e-please parati nakakaawa ka naman kung ganun ka di na makahinga kasi nakafocus sa kung ano ang ikaliligaya ni bf LOL! alangan namang forever kang magpretend dba papaano naman sariling happiness mo? dapat tanggap nya kung ano ka BUT when it comes comes to NEGATIVE ATTiTUDE ibang usapan naman yan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  weasleyismyking

    10/24/2011 | 11:40 PM
    Natamaan talaga si JLC kay Ropa. Imagine he left Liz na nakalivein niya for 3yrs just to be wid Ropa.Then pang 2beses na tong away nila ni Shaina bcoz again of Ropa. Si Shaina naman alam niyang lumabas na in public yung una niyang pagtawag inulit pa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  jimmycrackcorn

    10/24/2011 | 11:38 PM
    21 lang si Shaina nagmukha na tuloy 37 dahil sa kaseselos.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  wallcrawler

    10/24/2011 | 11:34 PM
    ang may fault dito sa JLC. si JLC ang indi makaget over kay Ruffa, may kakilala ako na kasama sa party na nakita kung ano ginawa ni JLC. medyo nakainum na si JLC that time when he tried to reach out sa group nina Ruffa. ayun nabad trip si shaina. layas ang drama walk out!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  Maria1

    10/24/2011 | 11:31 PM
    O ayan Shaina, may reason ka pala na mangamba kay Ruffa dahil para sulot pala itong babaeng ito base sa interview ni Liz Uy, bong, bong, bong, catch you Ruffa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  Maria1

    10/24/2011 | 11:28 PM
    At comment 53 winona01, salamat sa link mo, yes i went to that link at nag sorry nga si Ruffa, in other words, sinulot pala ni Ruffa si John Lloyd kay Liz Uy at si Liz Uy pala at John Lloyd were living in together for 3 years. Oh my gosh, revelation ito na si Ruffa pumapatol talaga sa may mga sabit na, bang bing bing bong bong. Catch you Ruffa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  brandon08

    10/24/2011 | 11:28 PM
    in my opinion,at fault talaga dito si shaina.she could have just ignored ruffing.hindi na sana cya nagstooped down sa level ni ruffing.she doesn't need to be insecure kasi ang layo naman nya kay ruffa.yung ginamit mo ang fon ni JLC para awayin si ruffing,that is totally a wrong move.nakakawalang respeto ka,hindi pa nga kayo kasal eh.sobrang selosa naman pala itong si shaina.insecure masyado!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  winonao1

    10/24/2011 | 11:17 PM
    yeah technically they are both adults pero ano ba wag naman gamitin pa ang linya sa no other woman KADIRI naman! kasi sa movie ang role ni anne curtis at ni christine ang magkalaban hindi naman si anne curtis vs carmi martin AHAHAHAHA!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  SimonLaplace

    10/24/2011 | 11:09 PM
    Tandaan mo, hindi lng si Ruffa ang makakabangga mo in the future. Kaya hindi mga bubuwit na yan ang pinag aaksayahan mo ng panahon. Doon ka mag invest sa kung ang weakness ni JLC at kung ano ang mga bagay na hinding hindi ka nya puedeng iwan...na meron ka at wala ang ibang babae...gets mo na my dear younger friend of the same gender?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  SimonLaplace

    10/24/2011 | 11:07 PM
    This is not the way to play the game Shaina...maling mali ka. Dapat yung lalaki ang siluhin mo upang pakasalan ka agad. Hindi mo makukuha ang gusto mo kung yung mga babae ang pinagtutuunan mo ng pansin. Magpabibo ka kay JLC, tuklasin mo ang weakness nya at doon ka mag focus. Yung ikaw ang Diyosa ng buhay nya. The moment na lumilihis na ang attention ng guy at di na naaaliw sa iyo. Something is going wrong! Tsk tsk tsk. Mali Shaina, Mali!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About