Live na nag-guest si Lovi Poe sa Showbiz Central kahapon, Linggo, October 23.
Ang unang itinanong ng SC host na si Raymond Gutierrez ay kung ano ang naramdaman ng young actress sa magagandang bagay na sinabi tungkol sa kanya ni Miss Susan Roces.
Ayon kasi sa veteran actress ay payag siyang makatrabaho si Lovi sa isang proyekto. (CLICK HERE to read related story.)
Si Susan ang biyuda ng King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr., na ama naman ni Lovi.
Ang ina ni Lovi ay ang dating model-actress na si Rowena Moran, na nakatambal ni FPJ sa 1987 movie nitong Kapag Puno Na Ang Salop.
Ayon kay Lovi, "First of all, super nakaka-flatter... I mean, coming from the Queen of Philippine Movies nga, for her to say those things.
"And to actually consider me, na bago pa lang dito sa industriya, na makatrabaho, sobrang... it's an honor for me talaga.
"Sobrang nagpapasalamat ako."
Kung mabibigyan ng pagkakataon si Lovi na makausap nang personal si Ms. Susan, ano ang sasabihin niya rito?
"Of course, I definitely want to thank her because dun pa lang, it's a huge thing for me.
"Because alam naman nating lahat na... lahat tayo tinitingala natin si Ms. Susan Roces dito sa industriya.
"And para sabihin niya na welcome siya, na open siya makatrabaho ako, e, talagang nakakataba ng puso.
"And it's very overwhelming and I'm so happy.
"Kaya gusto kong magpasalamat. Sobrang sarap ng feeling!" saad niya.
HORROR MOVIE. Tungkol naman sa kanyang career na rumaratsada nang husto, tila hindi nga nababakante si Lovi sa pelikula man o telebisyon.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
11 blondie
10 norgie36uk
9 mahaderarin
8 Bebangs
7 showbizfiend
6 wengski7
5 hototguy
4 hototguy
3 maldito
2 iam_brainful
1 lightnbubbly