Vilma Santos on past controversies: "There was a time, natsismis pa na nagpakamatay ako nang dahil sa problema ko diyan... because of the betamax issue. But again, you know, kapag alam mong hindi totoo, matapang ka, 'di ba? Pero at the same time, tao lang tayo. Kahit papa'no, naaapektuhan tayo ng mga negatibo. Tama?"

Photo: Ruel J. Mendoza

Sa 2012 ay ipagdiriwang na ng Star For All Seasons na si Vilma Santos ang kanyang 50th year o ang kanyang golden anniversary sa showbiz.

Nagsimula si Vilma na umarte sa murang edad na siyam na taong gulang.

"Nakihalo lang ako doon sa mga nag-a-audition sa Trudis Liit [1963]," pagbabalik-tanaw ng aktres kung paano siya napasok sa showbiz at naging bida nga kaagad sa nabanggit niyang proyektong iyon.

"Hindi ako dapat talaga doon [sa audition na iyon]. Nakipila lang ako.

"Pagpila ko, tinatawag ako ng mommy ko na, 'Hindi ka diyan!'

"Sabi ko, 'Andito na, e!' Makulit na ako no'ng time na 'yon!" natatawang kuwento pa niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Patuloy ni Ate Vi, "So, anyway, tinawag ako ni Doc Perez [of Sampaguita Pictures] at that time. Pinaarte ako. 

"Nag-adlib-adlib pa ako. Nakuha naman ako.

"So, when I started, dalawa kaagad ang pelikula ko—Trudis Liit at Anak, Ang Iyong Ina [1963].

"Ang naaalala ko lang tungkol sa maaga kong pagpasok sa pag-aartista, parang laro lang sa akin iyon. 

"Parang naglalaro lang ako noon kaya hindi trabaho sa akin iyon, e.

"So, very-very memorable sa akin iyon. 

"At saka no'ng Trudis Liit, every lunch, lagi akong may apple. Lagi akong may chicken.

"Every lunch talaga 'yon.