John Lloyd Cruz on fixing relationship with Shaina Magdayao: "May mga bagay na kailangan ng panahon para makahinga muna.  May mga bagay naman na hindi makakatulong kung patatagalin pa. Kailangan lang sigurong i-acknowledge kung ano'ng pangangailangan, kung ano yung kailangan, yung dine-demand ng sitwasyon. Ako, ganito ang tingin ko."

Photo: Noel Orsal

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John Lloyd Cruz kahapon, October 24, sa renewal ng contract niya sa ABS-CBN.

Hindi direktang nagpahayag ang aktor sa balitang breakup nila ni Shaina Magdayao, pero inamin niyang may malalim na pinagdaraanan ang relasyon nila ngayon. (CLICK HERE to read related story.)

Aniya, "To be honest, hindi maayos yung mga bagay-bagay ngayon.

"Yun lang ang kaya kong sabihin sa ngayon, yung mga bagay na yun is not looking good.

"I'd rather na tumahimik na lang ako hanggang sa maayos sana namin o mabigyan ng closure kung anuman. 

"Basta at this point, the best thing for me to do is to keep quiet."

NO THIRD PARTY INVOLVED. Pero idiniin ni John Lloyd na walang third party sa kung anuman ang problema nila ngayon ni Shaina. 

Nadadawit kasi ang pangalan ni Ruffa Gutierrez sa isyung ito, matapos sabihin ng actress-TV host na nagpapadala sa kanya ng hindi kanais-nais na text messages si Shaina. (CLICK HERE to read related story.)

Pero ayon kay John Lloyd, "Walang kinalaman yun dun.

"Yung mga ibang tao na hindi naman parte ng buhay namin, huwag nating idamay. 

"Ako na mismo ang nagsasabi, walang kinalaman si Ruffa, o kahit sinong ex-girlfriend ko. 

"Basta kung anuman ang problema namin, it's between me and Shaina."

FIXING A RELATIONSHIP. Ginagawan ba ng paraan ni John Lloyd o ni Shaina na maayos pa ang relasyon nila? Nag-usap na ba sila para ayusin kung anuman ang problema?

"Kung sa'n ba ito matatapos, of course, hindi ko pa alam," sagot ni John Lloyd.

"Medyo... siyempre sana hindi maging mahabang proseso.