Time of My Life stars make time for Halloween and All Souls Day

Elli Alipio
Tuesday, November 01, 2011 @ 07:39AM  |  2762 views

GMA-7's Time of My Life stars (top L-R) Mark Herras and Kris Bernal, (bottom L-R) Steven Silva and LJ Reyes will do their usual appointments on All Souls Day.

Photo By: Noel Orsal













Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilan sa stars ng GMA-7 primetime series na Time of My Life kung ano ang plano nila sa mahabang bakasyon ngayong Undas, at kung ano ang kanilang mga madalas na ginagawa pagsapit ng Halloween.

Narito ang kanilang mga sagot:

LJ REYES. Dahil meron na ngang anak si LJ Reyes na si Ethan Akio, kay Paulo Avelino, gusto nitong maranasan ng kanyang anak ang trick-or-treat.

"A, wala naman, pero sana, kasi hindi uso sa atin 'yong Halloween party, di ba?

"So, sana magkaroon ng trick-or-treat somewhere.

"Siguro yung mga friends ko yayayain ko, 'Tara, mag-trick-or-treat tayo!'

"Sariling trick-or-treat, para lang kay bagets [Ethan Akio]!"

KRIS BERNAL. Bibisitahin naman ni Kris Bernal at ng kanyang pamilya ang puntod ng lola niya.

"Ahm...magluluksa na lang, charot!" sabay tawa ng Time of My Life lead star.

Aniya, "Sa Halloween kasi ano, e, dati no'ng bata ako, mahilig ako mag-costume na ano, e, mga kung anu-anong costume, di ba?

"Mga trick-or-treat gano'n, gano'n.

"Ngayon, siguro bisita lang sa puntod ng lola ko, sa may ano lang, sa Manila lang, puntod ng lola ko.

"Gano'n lang naman ako, kami, pag-ano, e."

Hindi sila nagbabakasyon?

"Ay, magandang idea 'yan! Oo nga 'no, di ba? Pero may bakasyon ba kami? Yun ang tanong.

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name