Marian Rivera on how she got into baking: "Kasi, ganito 'yan. Ang istorya niyan, yung kapatid kasi ni Dong tsaka yung mga pinsan niya, nagluluto, nagkuku-culinary. One time nagkuwentuhan, sabi nila... kasi mahilig akong magluto ng mga ulam, di ba? E, okay na ako dun, dalubhasa na ako dun. Tapos sabi nila palagi silang bagsak sa baking. Sabi ko, 'Baking, e, ang dali-daling mag-bake? Susundan mo lang yung instructions, mga ingredients, mga sukat, iyon na yun, e.'"

Photo: Allan Sancon

Wala pa raw silang planong magpakasal in the near future, pero kung si Marian Rivera ang tatanungin, gusto niyang si Dingdong Dantes na ang huling lalaki sa buhay niya.

"Lagi ko namang sinasabi na ang hirap kasi ng papalit-palit ng boyfriend!

"Siyempre, kung si Dong na nandiyan na, ang tagal ng pinagsamahan namin—siyempre, gusto ko siya na.

"Kasi, hindi  rin ako sanay na, 'After mo, ay, sa 'yo naman. Ay, sa 'yo naman!'

"Ayoko ng ganun. Gusto ko, kung sino 'yan, 'yan na yun," pahayag ni Marian sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

HOLLYWOOD ACTOR OR DINGDONG? May nagbiro kay Marian, paano kung may napakaguwapong Hollywood actor na magkagusto sa kanya?

"Hindi kasi ako attracted sa ganun, e. Hindi, e.

"Partner na lang. Partner, partner [sa movies or TV], pero hindi sa totoong buhay."

LIKE CLAUDINE & SHARON. Kapag mag-asawa na sila ni Dingdong, magla-lie low na ba si Marian sa kanyang showbiz career?

"Hindi. Parang Claudine Barretto. Si Miss Clau, iyan, mga ganun."

So, hindi siya magpapahinga?

"Depende, kasi halimbawa buntis na ako, mag-aakting pa rin ako?"

May nagbanggit kay Marian na ang Megastar na si Sharon Cuneta, kahit buntis noon kay KC Concepcion, gumawa pa rin ng pelikula.

"Oh, go, gagawin ko din 'yan, go! 'Eto lang ang shot ko [sa may mukha], sige, go lang!' Go na rin."

SOLICITUDE FOR AMAYA TALENTS. Pinuri si Marian [in a separate interview published here in PEP.ph] ng co-star niya sa Amaya na si Sid Lucero.