"Parang ganito, iba yung gusto kong gawing kanta. Iba yung gusto nilang gawing kanta. Iba yung direksyon nung isa't isa. Parang Beatles," says Mcoy Fundales when asked why their band Orange & Lemons disbanded.

Photo: Paul Mata

Kuwento pa ni Mcoy sa pagkakapasok niya sa show.

"Ang nangyari, I became part of the  show kasi I play with Direk Bert in a band called Area 1.

"Sina John Lesaca, Bert de Leon, we play at Hard Rock Café. Usually we play Beatles songs [hanggang ngayon], usually every Tuesday."

Si Direk Bert ang direktor ng kanilang TV5 show.

"'Tapos as a bandmate sabi niya, 'Mcoy, trip mo bang maging part ng sitcom?'

"Akala ko nung una nagbibiro, pero ayun kasi yung character was really very near my personality. Which is a musician na open mag-try ng ibang field."

FAMOUS SONG. Sikat na sikat ang kanta nilang "Pinoy Ako."

"It still is! Alam ninyo, pag nasa ibang bansa, umiiyak pa nga yung mga kababayan natin kapag naririnig."

Kinakanta pa rin ng Kenyo ang "Pinoy Ako."

"Kenyo still plays songs of Orange & Lemons.

"Ngayon bukas na naman [ang Big Brother House], di ba?"

Wala siyang show ngayon sa ABS-CBN.

"Kasi personally po, kasi I didn't want to be... I'm not really a TV guy, e.

"I mean, I really wanna do music lang talaga, e. So after Big Brother, sabi ko, enough na yun.

"I just wanna do projects lang involving music."