Hindi lang sa pagiging artista at public servant kinagigiliwan ng marami si Vilma Santos. Marami rin ang hanga sa kanyang pagiging isang ina sa kanyang dalawang anak na sina Luis at Ryan.
"It's no joke to be a mother or to be a parent.
"Kasi ako, naniniwala na ang paglaki ng isang bata, talagang nakasalalay sa magulang.
"Sa kanilang formative age, kung kailan nade-develop ang kanilang utak, kailangan naka-alalay talaga ang magulang.
"'Yong responsibilities ng magulang, napaka-crucial sa paglaki ng kanilang anak."
TELLING LUCKY. Bukas na aklat din sa lahat ang failed marriage nila ng first husband niyang si Edu Manzano. Paano niya ipinaliwanag ang naging sitwasyon sa anak nilang si Luis na musmos pa lang noon?
"I think he was four years old that time," banggit ni Vilma sa edad ni Luis nang maghiwalay sila ng kanyang unang asawa.
"Naging honest kami [ni Edu] sa kanya.
"Ang ginawa namin no'ng medyo hindi maganda 'yong... nagkakaproblema kami ni Edu noon, dinala namin siya sa isang lugar.
"Sa sementeryo pa nga para tahimik. And then, doon namin siya kinausap.
"Ewan namin kung naiintindihan niya, or hindi.
"Pero ipinaliwanag namin na we're having problems. Na baka Mommy and Dad cannot be together.
"Hindi namin alam kung naintindihan niya o hindi. But we were honest to him para sabihin iyon.
"And then, isa siguro sa nakatulong din kay Lucky [palayaw ni Luis] ay 'yong kung ano ang sinasabi namin, iyon ang nakikita niya, e. Kasi hindi kami nagtatago.
"At saka 'yong love from Edu as a father, at 'yong love from me as a mother, palagay ko ay naramdaman naman ng anak ko. Kasi siya ang priority namin.




0

