Sa mga horror or suspense na pelikula, madalas ay nadadala tayo ng mga artistang umaarte nang natatakot.
Marahil sa iba, iisipin nila na parte lamang ito ng kanilang trabaho.
Pero nagkaroon na ba ng pagkakataong matakot sa totoong buhay ang mga artista dahil sa mga misteryosong bagay at kung anu-ano pang kababalaghan?
Ito ang tinanong namin sa komedyanteng si Eugene Domingo kamakailan.
Madalas ay nakikita nating siyang nagpapatawa sa harap ng camera. Subalit lingid sa kaalaman ng ilan, may karanasan na rin siyang matakot dahil sa hindi maipaliwanag na kababalaghan.
"Nakakaramdam ako kapag meron.
"For example, nagpunta ako sa bahay ninyo, first time kong nagpunta sa bahay ninyo, hindi ako maglilihim sa inyo kung meron akong nararamdaman," saad ng award-winning actress.
Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung mayroon ba siya ng tinatawag na "third eye," sumagot si Eugene, "Hindi ako nakakakita, malakas ako makaramdam."
Pagkatapos naikuwento niya pa ang madalas niyang nararanasan kapag naglalakbay siya sa iba't ibang lugar.
"Hindi ba mahilig ako mag-travel? Nararamdaman ko agad sa kuwarto ko kung merong something," pauna niyang salaysay.
"Mga dalawang instances na 'yon.
"Hindi ko na sasabihin kung saang hotel siya.
"Definitely, meron sa Baguio.
"Alam ko tulog ako, e.
"Pero 'yong panaginip ko, kung ano ang position ko.




0

