news

Claudine Barretto "loses" account balance at a bank; money mysteriously disappears as she's about to withdraw it

by Glen P. Sibonga posted on October 25, 2011  STATS: 284387 Views | 415 Comments

 

Nagpunta ang aktres na si Claudine Barretto kaninang bandang tanghali sa isang bangko sa Quezon Avenue, Quezon City, upang mag-withdraw ng balanse ng pera sa joint account nila ng mister na si Raymart Santiago. Pero laking gulat ng aktres na, habang nasa bangko sila, may iba nang nag-withdraw sa natitirang pera.

Photo By: Noel Orsal

Hindi napigilan ng aktres na si Claudine Barretto ang kanyang emosyon nang magkaroon umano ng aberya habang nagwi-withdraw siya ng pera sa isang bangko.

Diumano'y nawala na lang bigla ang perang wini-withdraw niya kahit wala pa siyang nakukuha.

Sa report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras kanina, October 25, galit na galit daw si Claudine nang datnan nito ang aktres sa isang bangko sa Quezon Avenue sa Quezon City.

Kasama ng aktres ang kanyang abugado na si Atty. Agnes Maranan.

Maririnig sa video ang mataas na boses ni Claudine na nagsasabing, "Nasaan na yung pera... ngayon wala na!"

Kuwento ng mga nakakita, bandang alas-dose ng tanghali raw kanina nang dumating sa bangko sina Claudine at Atty. Maranan para mag-withdraw.

Nakumpirma pa raw ng dalawa kung magkano ang balanse sa account.

Pero inabot na raw ng mahigit sa kalahating oras ay hindi pa rin nakukumpleto ang proseso ng pagwi-withdraw.

Hanggang sa sabihan na lang daw sila na wala na raw ang inaasahan nilang balanse sa bank account.

Nang makausap ng PEP ang abugado ni Claudine, ayaw nitong magsalita. Ang tanging kinumpirma niya ay na-withdraw na raw ang pera sa pamamagitan ng inter-branch withdrawal.

Sinubukan ni Nelson na tanungin si Claudine kung ano ang nangyari, pero umiiyak nitong sinabi na, "Tanungin n'yo na lang yung lawyer ko, please."

Ganun nga ang ginawa ng GMA News reporter, na nagtanong kay Atty. Maranan.

Sinabi ng abugado, "Draw your own conclusions, pero the timing 'no? ...It was withdrawn at the time we were here, [when we were] asking to withdraw it.

"We were here for more than 30 minutes.

"I was able to confirm from the teller that the funds were still there.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

415 Comments

  • 15  Labskie

    10/26/2011 | 12:01 AM
    Bakit alam ng press na mag wiwithdraw sya nung araw na yun?..At tsaka bakit naging ganun ka hysterical c Claudine if alam naman nya na sa joint account nilang mag asawa sya mag wiwithdraw..So alam na nya dpat na asawa lang nya nag withdraw nun kasi nga joint account yan..At bangko yan,,im sure di naman sa pipit tsuging bangko lang ang dedeposit ang ISANG CLAUDINE BARRETTO..Hmmmmm,,something fishy,,tapos di mahagilap ng press c Raymart..Napa simple lang naman..Yayyyyy,,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  fujiko77

    10/26/2011 | 12:01 AM
    napaisip ako sa comment mo maria1 ..hhmmnn.... oo nga naman....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  fujiko77

    10/26/2011 | 12:00 AM
    fecatada, ang baba naman ng 15k, metrobank 30k ang highest per day thru atm.. BDO 50k ang highest per day thru atm.. pag teller na.. talagang malakihan na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  pjpjam79

    10/25/2011 | 11:58 PM
    walang limit basta enough yung bank balance mo pag nagwithdraw ka over the counter pero pag atm some banks up to 20k per day....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  touch_of_class

    10/25/2011 | 11:58 PM
    hiwalay na sila pero nagsasama pa. nagtayo ng restaurant si raymart.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  Maria1

    10/25/2011 | 11:57 PM
    Ang tanong, bakit of all times, it so happened na nanduon si writer Richard Pinlas ba yon? at bakit may kasamang lawyer si Claudine at that time para lang mag withdraw ng kanilang pera. Hmmmmmm, I smell trouble in paradise nina Claudine at Raymart if this new is true or baka another gimmick na naman ito, may bagong teleserye ba itong si Claudine ngayon?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • fecatada

    10/25/2011 | 11:55 PM
    Magkano lang ba ang pera ba't naubos agad in just 30 minutes akala ko 15 thousand lang ang limit per withdraw a day or it doesn't matter if you go in the teller. Ano ba yan there's a trouble yata sanay maayos nila. Ang alam ko mahigpit sa pera si Claudine hindi magastos.....Tama yan Clau talagang ingatan ang pera kasi mahirap maghanapbuhay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • satotoolang06

    10/25/2011 | 11:54 PM
    ba't kaya may kasamang lawyer para mag withdraw ng pera. ganun ba sa atin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • fujiko77

    10/25/2011 | 11:53 PM
    bakit kelangan ask ang manager for go signal eh lawyer na mismo pedeng pede nang sumagot?? para mag benta ng stor? syempre para mai feature sa Yes! mags..LOL.. at medyo nakakawindang ang last sentence ha... bukas ang pep para sa panig ni Raymart???????? hhhmmnnn.............
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pjpjam79

    10/25/2011 | 11:50 PM
    Panigurado naunahan ni Raymart Santiago..... may awayan issue ba? ghmmmmm....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pepster31

    10/25/2011 | 11:50 PM
    anbayan, bat naman kailangang malaman pa ni nelson canlas????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • toruo

    10/25/2011 | 11:47 PM
    Hala!!! na-unahan ni Raymart si Claudine na mag withdraw,..kalorkey.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • misstoe

    10/25/2011 | 11:46 PM
    Hmmmm...baka naman unahan sila ni Raymart sa pagwi-withraw at naunahan siya...baka nakawan na nang pera ng may pera kasi there's trouble in paradise..he..he..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • washdckami

    10/25/2011 | 11:41 PM
    ayayayyy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • benj_aquino59

    10/25/2011 | 11:40 PM
    Ai sus, there was no money to begin with...Gusto lang talagang pag-usapan. Ano girl too quiet lately huh?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About