news

Claudine Barretto "loses" account balance at a bank; money mysteriously disappears as she's about to withdraw it

by Glen P. Sibonga posted on October 25, 2011  STATS: 284256 Views | 415 Comments

 

Nagpunta ang aktres na si Claudine Barretto kaninang bandang tanghali sa isang bangko sa Quezon Avenue, Quezon City, upang mag-withdraw ng balanse ng pera sa joint account nila ng mister na si Raymart Santiago. Pero laking gulat ng aktres na, habang nasa bangko sila, may iba nang nag-withdraw sa natitirang pera.

Photo By: Noel Orsal

Hindi napigilan ng aktres na si Claudine Barretto ang kanyang emosyon nang magkaroon umano ng aberya habang nagwi-withdraw siya ng pera sa isang bangko.

Diumano'y nawala na lang bigla ang perang wini-withdraw niya kahit wala pa siyang nakukuha.

Sa report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras kanina, October 25, galit na galit daw si Claudine nang datnan nito ang aktres sa isang bangko sa Quezon Avenue sa Quezon City.

Kasama ng aktres ang kanyang abugado na si Atty. Agnes Maranan.

Maririnig sa video ang mataas na boses ni Claudine na nagsasabing, "Nasaan na yung pera... ngayon wala na!"

Kuwento ng mga nakakita, bandang alas-dose ng tanghali raw kanina nang dumating sa bangko sina Claudine at Atty. Maranan para mag-withdraw.

Nakumpirma pa raw ng dalawa kung magkano ang balanse sa account.

Pero inabot na raw ng mahigit sa kalahating oras ay hindi pa rin nakukumpleto ang proseso ng pagwi-withdraw.

Hanggang sa sabihan na lang daw sila na wala na raw ang inaasahan nilang balanse sa bank account.

Nang makausap ng PEP ang abugado ni Claudine, ayaw nitong magsalita. Ang tanging kinumpirma niya ay na-withdraw na raw ang pera sa pamamagitan ng inter-branch withdrawal.

Sinubukan ni Nelson na tanungin si Claudine kung ano ang nangyari, pero umiiyak nitong sinabi na, "Tanungin n'yo na lang yung lawyer ko, please."

Ganun nga ang ginawa ng GMA News reporter, na nagtanong kay Atty. Maranan.

Sinabi ng abugado, "Draw your own conclusions, pero the timing 'no? ...It was withdrawn at the time we were here, [when we were] asking to withdraw it.

"We were here for more than 30 minutes.

"I was able to confirm from the teller that the funds were still there.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

415 Comments

  • 295  DamonSalvatore143

    10/27/2011 | 09:01 AM
    my husband better not do this to me. Hindi pa naman ako marunong mag-drive, so maiisahan talaga ako ng walang kalaban-laban. lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 294  DamonSalvatore143

    10/27/2011 | 08:57 AM
    Baka tuluyan na talagang maloloka si Clau clau.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 293  lanieguillen

    10/27/2011 | 08:36 AM
    he-he-he... naunahan lang si Claudine ni Raymart.. matalino't magaling.. nalilinlang din...kala ni Claudine may utak siya kay Raymart.. lokohin mo na ang lilong mong p...ngayon nasaan na??? first come first serve yan, dahil silang dalawa lang ang may access at may-ari ng pera.. wala nang iba...sinong kawawa.. ewan ko..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 292  intel23

    10/27/2011 | 08:24 AM
    malalagpasan mo rin to ms.clau stay strong we claudinians will never leave u we love u
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 291  intel23

    10/27/2011 | 08:22 AM
    bakit kamo may bitbit na atty si clau natural kelanagan ng witness malaking amount ang pinag uusapan bat may camera helo qc ang branch malapit sa gma may nag tip sigurado alangan naman tinawagan yan ni ms.clau para gawan ng issue sarili niy isip isip mga haters kaloka
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 290  intel23

    10/27/2011 | 08:14 AM
    grabe naman makapagcomment mga tao dito kayo kaya mawalan ng perang pinaghirapan niyo matutuwa ba kau db hindi siempre pinaghirapan yan ni ms.claudine natural ma stress siya. kau talaga kau kaya lumagay sa katayauan ni ms.claudine ang perpekto niyo naman makapang comment lang talaga we love u clau stay strong!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 289  hello2happy

    10/27/2011 | 07:51 AM
    well we are all commenting here not naman because we are all tsismosas.. eh kung ayaw nila pagusapan, they could have made everything secretly.. nagsama pa ng reporter, bakit alam agad ng reporter. nagpa interview agad. si claudine nagtweet about sa transfer ng properties.. definitely gusto nya pagusapan.. so sila nagstart, tayo lang ang nagtutuloy.. kaya yung iba wag nyong sabihin na wag natin silang pagusapan sa gitna ng problems nila!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 288  mccec65

    10/27/2011 | 07:16 AM
    the title should have been Raymart beats Claudine into withrdawing their millions. nyahahaha, gusto pa mag pa controversial itong reporter na itilds.... hayyy, walang ma report na relevant may cameras...isip isip
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 287  bubble_n_squeak

    10/27/2011 | 07:02 AM
    tfcqatarliving winner ka! pan mo na ako. lols. pero si ehemm talaga ang original ng englising na yan. magaling na din si fujiko kakatawa post niya. napilitan tuloy tumawa si ehemm kahit alam ko na ayaw niya. hahaha! trying hard nga ako mag-englisizing pero di ko magawa. ang hirap gawin pag di ka magaling mag english! lols. yung iba naman masyado serious. sineryoso si tfcqatar. boring nga yung mga nakaka nosebleed na posts. tfcqatar and ehemm, rock on!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 286  RedSquirrel

    10/27/2011 | 06:59 AM
    pag mga ganyang problema sana hindi nalang nila ipinamamalita, lalo na sa usaping pera. wla na silang naitagong sekreto.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 285  humandynamics

    10/27/2011 | 06:47 AM
    kung walang alam si raymart hindi ba magwawala din yon katulad ng ginawa ni claudine.. haller pangalan din niya ang nasa account at 5 million ang nawawala. kung hindi niya kinuha ang pera bakit hindi niya tinutulungan si claudine maghanap ng nawawalang pera?! singko lang sa kanya yon, ayaw mag aksaya ng panahon, ganon?!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 284  inggiteraparin

    10/27/2011 | 06:32 AM
    gjoel no problem heheh masanay ka na ganyan lang dito matira matibay..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 283  mfapj

    10/27/2011 | 05:58 AM
    according to Ricky Lo, Claudine went home from taping, one day, and saw that Raymart's cars were no longer in the garage. women's intuition led her to call her lawyer and proceed to the bank to withdraw P 5M ... which never happened kasi na-withdraw na nga. they have been separated for two months na daw.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 282  Sortkwik11

    10/27/2011 | 05:48 AM
    goodness! kung ako rin, i'm trying to withdraw 5M tapos naunahan ako ng asawa ko na right now we're not doing good. i will be hysterical too!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 281  hussein28

    10/27/2011 | 05:47 AM
    pls lang wag nyong idamay si jennylyn about their issue..this issue is between raymart and claudine only.. besides nagkasama lang sila sa futbolilits and that soap already ended, okay.. may luis na si jen na single and super gwapo so please lang stick to the issue, wag ng mandamay pa ng iba..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 280  mfapj

    10/27/2011 | 05:44 AM
    check out Ricky Lo's article. it says that when Claudine went home from a taping, she saw that Raymart's cars were no longer in their garage. women's intuition drove her to call her lawyer and proceed to the bank for that withdrawal of P 5M, which didn't happen kasi nga naunahan na siya. apaprently, hiwalay na daw sila for two months already.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 279  SimonLaplace

    10/27/2011 | 05:37 AM
    Respeto Guys...wag na nating gawing entertainment ang pamilyang nasa gitna ng malaking sigalot. Baretto kse yan, at ganon naman ang mga Baretto sisters, most of them separated. Napabayaan din kse ni Clau ang katawan nya at sarili mula noong nag asawa. Mukhang mabait si Raymart at sobrang pinaglaban nya si Claw noong nagka issue with Engelika Pengenivan. Sana lng maayos pa nila. At sino ang nag author ng RaymartChinilyn, mahiya naman kayo. Saan nagmula yan?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 278  fecatada

    10/27/2011 | 04:57 AM
    Hindi siguro alaga si Clau sa Mr niya kaya nastress.....Kawawa ang alam ko very caring ito si Clau sa mga exes niya may nagsasalita dati si late Rico Yan at pati si Papa P na nakasama niya sa set talagang sinabi na maasikaso si Clau......Clau whatever you've been thru just move on, it doesn't matter kung ilan ang anak niyo basta kung saan ka masaya Go.......You're young and pretty I know you've great future ahead than putting up what is a mess......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 277  mayatmaya

    10/27/2011 | 04:17 AM
    Claudine Baretto is ClaudineBaretto
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 276  matalinokaba

    10/27/2011 | 04:06 AM
    TFCqatarLIVING READ ON! Iam so hiloing while reading your englishing and your commenting here. we cannot understanding what you are saying they are all nonesenseful.By the wayness, what do you do for a living and why is your englishing so badful?Iam sureness you are not knowing what is happening to all the stars above in the philippines so shutting your mouthful will be a good habit of yours and thems. too! Gets muh and gets kuh? Do us a flavorful favor, leave this page which is not a book and i will not judge you like a judge of the court anymore if you listen with your eyes to my suggestments . See, we are already so alike in englishing but we are not twins because not all alike are twins .haha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About