news

Claudine Barretto "loses" account balance at a bank; money mysteriously disappears as she's about to withdraw it

by Glen P. Sibonga posted on October 25, 2011  STATS: 284347 Views | 415 Comments

 

Nagpunta ang aktres na si Claudine Barretto kaninang bandang tanghali sa isang bangko sa Quezon Avenue, Quezon City, upang mag-withdraw ng balanse ng pera sa joint account nila ng mister na si Raymart Santiago. Pero laking gulat ng aktres na, habang nasa bangko sila, may iba nang nag-withdraw sa natitirang pera.

Photo By: Noel Orsal

Hindi napigilan ng aktres na si Claudine Barretto ang kanyang emosyon nang magkaroon umano ng aberya habang nagwi-withdraw siya ng pera sa isang bangko.

Diumano'y nawala na lang bigla ang perang wini-withdraw niya kahit wala pa siyang nakukuha.

Sa report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras kanina, October 25, galit na galit daw si Claudine nang datnan nito ang aktres sa isang bangko sa Quezon Avenue sa Quezon City.

Kasama ng aktres ang kanyang abugado na si Atty. Agnes Maranan.

Maririnig sa video ang mataas na boses ni Claudine na nagsasabing, "Nasaan na yung pera... ngayon wala na!"

Kuwento ng mga nakakita, bandang alas-dose ng tanghali raw kanina nang dumating sa bangko sina Claudine at Atty. Maranan para mag-withdraw.

Nakumpirma pa raw ng dalawa kung magkano ang balanse sa account.

Pero inabot na raw ng mahigit sa kalahating oras ay hindi pa rin nakukumpleto ang proseso ng pagwi-withdraw.

Hanggang sa sabihan na lang daw sila na wala na raw ang inaasahan nilang balanse sa bank account.

Nang makausap ng PEP ang abugado ni Claudine, ayaw nitong magsalita. Ang tanging kinumpirma niya ay na-withdraw na raw ang pera sa pamamagitan ng inter-branch withdrawal.

Sinubukan ni Nelson na tanungin si Claudine kung ano ang nangyari, pero umiiyak nitong sinabi na, "Tanungin n'yo na lang yung lawyer ko, please."

Ganun nga ang ginawa ng GMA News reporter, na nagtanong kay Atty. Maranan.

Sinabi ng abugado, "Draw your own conclusions, pero the timing 'no? ...It was withdrawn at the time we were here, [when we were] asking to withdraw it.

"We were here for more than 30 minutes.

"I was able to confirm from the teller that the funds were still there.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

415 Comments

  • 255  inggiteraparin

    10/27/2011 | 01:29 AM
    dapat kung may time deposit din kayo ayusin na rin nyo yan. sa pagkaka alam ko hindi naman ata pede ipangalan kina sabina at santino ang mga properties nila like what was mentioned here about the tweet of claudinde days ago. buhay pa mga parents kaya hindi pede lalo na at menor de edad pa si sabina at santino. hindi rin pede na bilhin nina S n S para maitransfer title sa kanilang name kasi nga menor de edad pa sila lols. correct me if im wrong ha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 254  5kilopork

    10/27/2011 | 01:22 AM
    maliwanag pa sa sikat ng araw! si Reymart nag-interbranch withdrawal. may nangyari na bago ang eksena sa bangko! kung wala, eh bakit may kasama syang lawyer at news crew?? aber??? hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 253  gjoel

    10/27/2011 | 01:19 AM
    In my opinion, its either separated na nga talaga or may malaking problemang pinagdadaanan ang pagsasama ni Clauding at Raymart. There are questions on which the answers lead to the above conclusion. Una, kung malaking amount ng pera pala ang iwi-withdraw ni Claudine, hindi ba dapat na itinaon nilang mag-asawa na parehong libre sila on that day para magkasamang kunin ang pera sa account nila? So, bakit instead of Raymart ay lawyer ang kasama ni Claudine sa pagwi-withdraw?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 252  fecatada

    10/27/2011 | 01:09 AM
    Ms Claudine wala kang dapat itago if hiwalay na kayo ni Raymart so be it. You're young and very pretty magaling humawak nang pera. Just be honest people will stop speculating when you open up. Balik ka na sa ABS or magTV 5 ka maganda ang future mo doon. Sayang ka Ms Clau alam mo idol ka namin in over a decade ka naming pinapanood ma news or mapelikula.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 251  Lokotoy

    10/27/2011 | 01:04 AM
    Sunod na laos...angel locsin..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 250  josie123

    10/27/2011 | 12:58 AM
    magkano bang ang nawawalang funds, anyboby?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 249  lovinABS

    10/27/2011 | 12:48 AM
    I saw the video too, ang tanong pano natunugan ng media n may ganitong mangyayari. malamang claudine has something to do with it. may nangyari jan house pa lang ni claw at raymart. pero if claudine called the reporter, ano ang motive nya? or is she ready to spill the beans n matagal ng hiwalay sila?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 248  happygolucky

    10/27/2011 | 12:43 AM
    213 tfcqatarliving - Grabe ang tawa ko sa comment mo... HAHAHAHAHAHA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 247  cece73

    10/27/2011 | 12:42 AM
    Obviously, Raymart isn't stupid at all, sa mga blind items about her on drugs, siguro totoo nga...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 246  inggiteraparin

    10/27/2011 | 12:40 AM
    its their money pero siguro may mabigat na dahilan at harinawa na reasonable ito kaya nay nagawa. joint account ito kaya pera nilang dalawa ito hindi kay claudine lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 245  inggiteraparin

    10/27/2011 | 12:37 AM
    i dont believe Jennylyn mercado is into Raymart or vice versa..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 244  mariac2

    10/27/2011 | 12:33 AM
    What a shame! Financial problems should just be between u n ur husband.. Ang pangit na talaga ang image netong si Claudine, sa career, marriage n now finance..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 243  inggiteraparin

    10/27/2011 | 12:28 AM
    iniba ko na lang spelling ibang words kasi ung una may banned words daw at hindi ko naman alam alin doon sooo sige na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 242  inggiteraparin

    10/27/2011 | 12:27 AM
    i just saw the video of claudine taken at the bank and she didnt make any scene there, mas nagwala pa siguro ang isang ordinary na tao kapag nangyari yan. yan ang mahirap sa mga artista, they cant show their real feelings and emotions pag may nangyayari sa kanilang buhay, nasu supressed kaya tuloy marami Din sa kanila ang nag da drags, nagsosogal, nagiging alkojolic. they cant handle fame and wealth. they cant handle intrigues and its hard for them to accept pag ka LAOSS na sila like claudine.poor claudine.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 241  michaelaangel74

    10/27/2011 | 12:25 AM
    Kung about pera, we are sure na kikita pa rin si Claudine ng pera. Kung sakali si Raymart man ang nag-withdraw ng pera nila may reason din sya kung bakit nya ginawa iyon. Sana kung tlagang may mabigat silang problema sa marriage nila sana maayos nila ng tama. May mga anak sila na mas lalong masasaktan at maapektuhan kapag naging selfish ang mga magulang..., It's married life not boyfriend and girlfriend na nagde-date lang it's supposed na mas mainam na mas bigyan ng importansya ang mararamdaman ng mga anak nila kung maging broken family sila is not only what they think and feel ang laging focus kawawa din ang mga anak nila kung sa pera nagkakaproblema ang mag-asawa. Hindi ako fan ni Claudine at Raymart pero nakakalungkot at nakakaawa talagang makita c Claudine non umiiyak sya sa loob ng Bank...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 240  fecatada

    10/27/2011 | 12:09 AM
    Claudine God bless you idol kita ups and downs we're here for you!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 239  totoysipa

    10/27/2011 | 12:09 AM
    213 tfcqatar Oh man, you made me laugh so hard, hahaha! Nakakatawa ka talaga! Huwag kang aalis dito sa PEP, kailangan namin ang mga 'ideas' mo. I like winged angel's comment at 244.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 238  michaelaangel74

    10/27/2011 | 12:04 AM
    Naawa din ako kay Claudine non mapanood ko iyong video ng 24 oras na news about sa pag-withdraw ng kanilang pera, nagalit c Claudine then umupo sya at umiiyak sa loob ng Bank. Syempre minsan kahit naman cguro hindi very nice ang isang tao pero kapag nakita mo syang umiiyak at nagpapahid ng luha ay maawa ka rin. Syempre tao lang tayo kahit sino man siguro malulungkot ka para sa kapwa mo kapag nakikita mo sya ng ganon na umiiyak.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 237  AKOKAZE

    10/27/2011 | 12:02 AM
    tsk tsk.. what's happening to claudine??? if they're really not together, kung maitanong sa kanila sa interview, siguro for their own good, it would be best to tell the truth na lang kung hiwalay na ba talaga sila. katulad nyan nagkaron ng ganitong insidente napapahiya lang sila.. tsk tsk
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 236  inggiteraparin

    10/26/2011 | 11:55 PM
    raymart is into sabong.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About