Luis Manzano says his girlfriend Jennylyn Mercado has Gov. Vilma Santos's vote

Melba Llanera
Wednesday, October 26, 2011 @ 05:10PM  |  45659 views

Luis Manzano clarifies that the Star for All Seasons is never plastic when giving her opinion about her son's lovelife. She can only be objective and sincere, and she even enjoys rapport with his girlfriend Jennylyn Mercado.

Photo By: Allan Sancon













Lumikha ng kontrobersiya at ingay ang nabitiwang salita ni Gov. Vilma Santos, sa interview sa kanya noong storycon ng pelikulang gagawin niya sa Star Cinema, na di importante kung boto ba siya kay Jennylyn Mercado para sa anak na si Luis Manzano kundi ang mahalaga ay makita niyang masaya ang panganay na anak.

Nabuo kaagad sa isipan ng marami na mukhang di raw ganun kaboto ang actress/politician sa rumored girlfriend ng panganay na anak kumpara daw kung gaano ka-open before si Gov. Vilma nang tanungin ito kung gusto ba niya si Angel Locsin nung karelasyon pa ito ni Luis.

Agad naman naming hiningan ng reaksyon tungkol dito si Luis nang makausap namin siya last Sunday in ASAP Rocks.

"Boto si Mommy kay Jen base sa mga texts messages pa lang niya sa akin about Jennylyn after their interview para sa talk show nila sa kabila.

"Aliw na aliw siya kay Jennylyn, and my Mom is very objective bilang isang ina sa kanyang pahayag, pero I know my Mom is very happy kung anuman ang estado namin ni Jen ngayon.

"She chose to answer in an objective manner lang bilang isang ina. It does not entirely mean na hindi siya boto kay Jennylyn.

"Every time she texts me regarding Jen, papuri ang mga sinasabi ni Mommy.  

"Nung nagkasama sila sa Batangas, wala ako dun, pero sinabi nga it was a very, very casual greeting, ang kulit daw nila.  Sabi ni Jen, sobrang mahirit ang Mommy, ganundin ang sabi ni Mommy, sobrang galing ni Jen. "

Luis assured us na hindi plastic ang ina sa totoong nararamdaman nito sa isang tao.

"Ang Mommy ko, hindi plastic.  Hindi niya sasabihin ng nice things about Jen just to please me, she's not gonna sugarcoat anything.  Yun ang opinion niya pero definitely hindi niya ako paplastikin sa ganung bagay."

"Si Mommy kasi hindi sinasabi nang diresto pero mararamdaman mo, she's not too excited.  For example this coming event  sa Batangas this November 7, ako ang magho-host along with Ruffa Gutierrez and Billy Crawford, talagang Mommy was insisting, "Please anak, kausapin mo si Jen na mag-judge." 

You can feel the sincerity kasi si Mommy ko naman, hindi siya ganun kabrutal pero mararamdaman mo kung ayaw niya sa isang tao.  So far so good naman."

Tinanong namin si Luis kung ano kaya ang gagawin niya kung dumating nga ang punto na ayawan ng pamilya niya ang babaeng minamahal niya, kung ipaglalaban ba niya ito and up to what extent?

"Oo naman. Ang importante sa akin, as long as hindi nakakasama sa akin ang relasyon. Kumbaga  kung okay naman ang ginagawa ko sa buhay ko, kung nagakataon lang na hindi siya gusto ng pamilya, wala kaming tinatapakang tao, hindi naman siya magiging hadlang, hindi naman nagiging pabigat sa buhay ko, I'm still doing the things I love to do, hindi naman ako nagbabago as a person, ipaglalaban ko. 

"Pero kung nakikita ko na nagbabago ang ugali ko, nagiging pasaway ako, siguro there is something wrong. 

1  2  Next »

Related Articles

59 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name