Napakataas ng energy level ni Rosanna Roces nang madatnan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Sa Ngalan Ng Ina last Monday, October 24, para sa malaking eksenang kukunan sa isang abandoned warehouse sa Potrero, Malabon City.
Bagama't may kadiliman ang lugar, at medyo maputik dahil katatapos lang bumuhos ang malakas na ulan, hindi alintana ng aktres ang discomfort at inconvenience.
As ever, Osang was in high spirits. Kukunan that night ang climactic scene ng mini-serye sa TV5 na pinagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor. 'Yon ang isa sa mga highlights ng serye, kaya excited si Osang.
At the same time, nalulungkot ang award-winning actress dahil magtatapos na ang airing ng Sa Ngalan Ng Ina. Hanggang next Friday, November 4 na lang ito mapapanood, sa TV5.
Ngayong Biyernes, October 28, ang huling taping nina Ate Guy at Osang; dito kukunan ang eksena ng madugong pagtutuos nina Gov. Elena Deogracias, Nora's character, at Lucia, Osang's villainess character.
Ano ang mga mami-miss ni Osang sa pagtatapos ng trabaho niya, o nila ni Ate Guy, sa SNNI mini-serye?
"Marami. Unang-una, siyempre, yung mga crew; yung samahan sa set. Maulit pa kaya 'yon? Ang hirap nang ulitin, 'no?" nangiti nang bahagya si Osang.
"Pero, definitely, hindi kami maghihiwalay [ni Ate Guy]," paniniyak din ni Osang.
OPPOSITES. Para kay Osang, kakaiba ang friendship na nabuo between her and Ate Guy [Nora's monicker].
"Oo, pero lintik sa screen, kakaiba! Opposites [talaga]," pag-describe pa ng aktres, dahil kontrabida nga siya ni Guy, o ng character nito.
"May paliwanag ako diyan," patuloy din ni Rosanna.
"Aside from Ate Guy, sino ba ang tinawag na 'Superstar'? Si Jesus Christ.
"Sino naman ang Mary Magdalene ng buhay niya? So, 'eto ang superstar; at eto si Magdalene," wika pa ni Osang, referring to Ate Guy and herself, respectively.
"Si Magdalene, na kanyang disipulo; at faithful na disciple. At parehong inalipusta. Parehong... [dina-down], pero parehong bumabangon. At lalong gumagaling.
"Kumbaga, yung nagpapakumbaba, itinataas ni Lord.
"Bakit kami gumagaling? E, bigay ni Lord lang naman. Kanya-kanya namang talento, e.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
76 lotwina
75 lotwina
74 patrick2010
73 utotngpinoy
72 utotngpinoy
71 ClawClown
70 K4rm4
69 candicebluv
68 kapiso68
67 humandynamics
66 Jockinthepan
65 bhengot
64 yunikrose
63 eisenheim1
62 eisenheim1
61 alaska_dor
60 alvase
59 mdsmile
58 magsasaka
57 mdsmile
more comments