Albert Martinez reminisces on being called "the most boring actor"; wants to help wife Liezl move on from cancer

Mark Angelo Ching
Friday, October 28, 2011 @ 06:20PM  |  41543 views

Hindi raw nais ni Albert Martinez iwanan ang showbiz.

"Ito yung trabaho na walang retirement. Kasi, once an actor, you'll always be an actor. I'll be honest, kung hindi na ako puwedeng umarte, sana naman po hindi mangyari sa akin, siguro I'll be the saddest person."

 

Photo By: Allan Sancon













Kahapon, October 27, ay nag-host si Albert Martinez ng 30/50 party sa The Establishment, Bonifacio Global City, Taguig City.

Ang 30/50 ay celebration ng 30 years ni Albert sa showbiz, at 50th birthday niya. Noong April 22 pa nag-turn 50 years old si Albert, pero kasama na rin ito sa celebration dahil nga ang biro ay hindi mukhang 50 si Albert. Mukha siyang 30 years old lamang, na kasing tagal na rin ng career niya sa pelikula at telebisyon.

Present sa party ang ilan sa mga kaibigan ni Albert mula sa business at showbiz, tulad nila Yayo Aguila, Melissa Ricks, Jay Manalo, Aldred Gatchalian, at Zaijian Jaranilla.

Present din ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

Dumalo rin ang tatlong anak ni Albert na sina Alyanna, Alfonso, at Alissa. Wala sa party si Liezl Martinez, na hanggang sa ngayon ay nilalabanan pa rin ang sakit na cancer.

Bago pa man nagsimula ang party ay nagbigay na ng panayam si Albert. Dito ay inalala niya ang pagsisimula niya sa showbiz, at ipinaliwanag niya kung ano ang sa tingin niya ang kanyang legacy.

Noong 1981 nagsimula ang career ni Albert sa showbiz sa pelikulang Bakit Ba Ganyan, ayon sa Wikipedia. Ilan pa sa mga naging pelikula niya ay ang Blue Jeans, Mother Dear, Teenage Marriage, Dyesebel, Scorpio Nights 2, at Magnifico. Nakapag-direk na rin siya ng pelikula: ang Rosario na ipinalabas noong isang taon.

Maganda rin ang career ni Albert sa telebisyon. Ngayon ay kasama siya sa cast ng hit primetime series na Nasaan Ka Elisa? ng ABS-CBN.

Saad ni Albert, nararamdaman niya raw na masaya ang buhay niya sa ngayon.

"Actually, to be honest with you, I'm so happy. I will not exchange it for any other life. Kasi with this life, I've got my family, I've got my wife, I've got my career. It's not like milk and honey all the way, but the slow process of going there, sa akin, very fulfilling as a person.

"When I look back, yung struggle ko was good, because I've learned to be a better person, I've learned to appreciate small things, I've learned to be me as simple as I am. [I kept my head] on my shoulders."

Ang tanging nais niya raw sa ngayon ay ang makitang nasa mabuting kalagayan na ang kanyang mga anak.

"Honestly, ngayon, ang ano ko na lang, ang biggest hurdle ko, matawid ko yung tatlo kong anak, e. After that, kami ni Liezl, we're done," sabi niya.

Dalawa pa sa anak ni Albert ang nag-aaral ng kolehiyo: si Alfonso ay kumukuha ng computer graphics, at kukuha naman ng fashion design si Alissa.

Samantala, isa naman daw "fashion journalist" ang kanyang panganay na si Alyanna.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

22 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name